Nadine kulelat kina Angel, Jennylyn

Palaban ang naging post ni Nadine Lustre sa kanyang Instagram account.

nadine kulelat kina angel jennylyn - Nadine kulelat kina Angel, Jennylyn
tonite nadine - Nadine kulelat kina Angel, Jennylyn

NI: ARCHIE LIAO

Palaban ang naging post ni Nadine Lustre sa kanyang Instagram account.

Kung dati, hindi ganoon ka-vocal ang actress pagdating sa mga isyung kinakaharap ng bayan, ngayon lumalabas na rin ang kanyang pagiging rebelde.

Naging kapansin-pansin ito nang magbigay siya ng suporta sa pagka-deny ng prangkisa ng ABS-CBN.

Ngayon naman, nag-ala Gabriela Silang na naman siya sa kanyang post na may caption na “Nakikiisa sa bayan na lumalaban. Ito ang SONAko# SONA#gkaisa

Nakapost naman ang sigaw na : “PAGBABAGO, HINDI ABUSO. PAGKAKAISA, WAG MANG-ISA. HAWAK KAMAY, WAG HUGAS-KAMAY. I AM A FILIPINO & I STAND FOR MY COUNTRY. WE DESERVE BETTER!”

Dahil dito, umani ito ng samu’t-saring reaksyon sa mga netizen.

Sey ng ilang faney, proud daw sila sa kanilang President Nadine dahil gising na ito sa mga isyung kinakaharap ng bayan.

Palaban na rin daw ito at parang peg daw nitong maging Sisang Tabak o Gabriela Silang.

Hirit naman ng iba, nagpapaka-relevant lang daw si Ate dahil gusto nitong makiuso sa ibang aktibistang aktres.

Sabat naman ng isang bitchy kibitzer, type daw nitong kumpetensiyahin si Angel sa pagiging palaban.

Naungkat tuloy na may common denominator daw ang dalawa dahil pareho silang na-consider sa mga survey noon na gumanap na Darna.

May mahadera ring nag-comment na ‘poor third’ daw si Nadine kina Angel Locsin, Jennylyn Mercado pagdating sa pagsisiwalat ng damdamin sa mga nangyayari sa industriya at gobyerno.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *