Nadine kay Digong: ‘Pagbabago hindi abuso!’

Habang nangyayari ang SONA ni Pangulong Duterte nitong Lunes nang hapon ay nag-post naman si Nadine Lustre ng kanyang panawagan sa gobyerno.

nadine kay digong pagbabago hindi abuso - Nadine kay Digong: ‘Pagbabago hindi abuso!’
abante nadine - Nadine kay Digong: ‘Pagbabago hindi abuso!’

Habang nangyayari ang SONA ni Pangulong Duterte nitong Lunes nang hapon ay nag-post naman si Nadine Lustre ng kanyang panawagan sa gobyerno.

“Pagbabago, hindi abuso. Pagkakaisa, hindi mang-isa. Hawak kamay, wag hugas kamay. I’m a Filipino and I stand for my country. We deserve better,” sabi ni Nadine.

Galit na galit naman ang reaksiyon nina Robi Domingo at Kean Cipriano sa nakita nilang video na kung saan ay dinampot sa Quiapo Church ang ilang miyembro ng Akbayan group upang kumpiskahin ang mga placard na dala nila habang ongoing ang misa.

“I am so mad. Seryoso ba? Sa simbahan? Sa gitna ng misa? Bakit nyo ginagawa to?” nag-aapoy na reaksyon ni Kean.

“Wala na talaga silang sinasanto. Are we still in a democratic nation? I think not,” sey naman ni Robi. (Athena Yap)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *