Nadine, Kathryn bakbakan sa Urian

Kapwa nag-trending sina Kathryn Bernardo at Nadine Lustre, matapos ilabas ng Manunuri ng Gawad URIAN ang listahan ng mga nominado para sa taunang pagbibigay parangal.

The post Nadine, Kathryn bakbakan sa Urian first appeared on Abante.

nadine kathryn bakbakan sa urian - Nadine, Kathryn bakbakan sa Urian
kathryn and nadine - Nadine, Kathryn bakbakan sa Urian

ambetabol ambet nabus 1 300x200 - Nadine, Kathryn bakbakan sa UrianKapwa nag-trending sina Kathryn Bernardo at Nadine Lustre, matapos ilabas ng Manunuri ng Gawad URIAN ang listahan ng mga nominado para sa taunang pagbibigay parangal.

Two year in a row ng napapansin ng Manunuri ang husay ni Nadine dahil sa unang beses niyang ma-nominate last year ay agad din siyang nanalo para sa Never Not Love You. If ever man siyang palarin this year for “Ulan,” back-to-back victory ang maitatala niya, na bukod tanging ang mga gaya ng acting legends and icons na sina Vilma Santos at Nora Aunor lamang ang nakakagawa.

Pero siyempre, dahil nandiyan ang gaya ni Kathryn na napakahusay din sa record-breaking Pinoy movie of all time na Hello, Love, Goodbye, posibleng hindi yun ma-achieve ni Nadine. Panay-panay na nga ang social media campaign ng mga fan niya to increase awareness at pagpapa-trending ng mga movie clips kung saan “lutang” ang husay ni Kathryn.

Hindi rin nagpapatalo ang fandom ni Nadine kaya’t nakaka-excite na kahit wala namang “bearing” ang ganito sa sistema ng pilian ng URIAN, makikitang nag-evolve na rin talaga ang fanaticism sa bansa.

Pero huwag din silang pakasiguro dahil posible ring ang iba pang nominado gaya nina Bella Padilla, Alessandra de Rossi, Max Eigenmann, Angie Ferro, Jean Garcia, Janine Gutierrez, Ruby Ruiz, Sue Prado at ang yumaong si Anita Linda, ang makakuha ng naturang Best Actress award.

In fact, sina Angie, Jean, Max at Janine ay nanalo na ng award for their performances sa nominated films nila. At dahil legendary naman talaga ang husay ng yumaong si Tita Anita, posible ring ibigay ito sa kanya.

Alden liyamado kina Elijah, Gold, Jansen

Ang leading man ni Kathryn na si Alden Richards ay nominado rin as Best Actor (feeling namin, makukuha niya ito).

Makakalaban niya sina Louise Abuel (“Edward”), Oliver Aquino (“Jino to Mari”), Gold Azeron (“Metamorphosis”), Raymond Bagatsing (“Quezon’s Game”), Royce Cabrera (“Fuccbois”), Elijah Canlas (“Kalel, 15”), Gio Gahol (“Sila Sila”), Joel Lamangan (“Ang Hupa”) at Jansen Magpusao (“John Denver Trending”).

Kapansin-pansing bukod tanging si Raymond Bagatsing lang ang beterano (at URIAN winner) sa kategoryang ito though happy kami for Direk Joel Lamangan na tunay namang scene stealer na as a performer, kaya’t yung pansinin siya as a lead actor, wow na wow!

And yes, huwag ding isnabin ang mga gaya nina Elijah, Gold at Jansen dahil nabigyan na din sila ng parangal for their nominated films.

Mukhang kahit kapos sa sigla ang industriya sa ngayon dahil sa pandemya at pagkawala ng ABS-CBN, nakakatuwa pa ring makabalita ng mga ganitong pangyayari.

Good luck.

The post Nadine, Kathryn bakbakan sa Urian first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *