Nadine buntis?

Rest. ‘Yan ang malaking rason ni Nadine L­ustre kaya tumangging gawin ang festival entry na “Miracle On Cell #7” kasama si Aga Muhlach.

nadine buntis - Nadine buntis?
nadine 7 - Nadine buntis?

abante i know better jun nardo 336x224 - Nadine buntis?Rest. ‘Yan ang malaking rason ni Nadine L­ustre kaya tumangging gawin ang festival entry na “Miracle On Cell #7” kasama si Aga Muhlach.

Kinontra ni Nadine ang pahayag ng Viva sa Metro Manila Film Festival Committee na medical reasons ang pag-alis niya bilang lead actress ng pelikula sa nakaraan niyang interview.

Eh kung walang sakit, bakit magpapahinga si Nads?

Diyan na umikot ang ispekulasyon ng taga-showbiz. Taon ba o buwan ang pahinga niya?

Kung siyam na buwan, aba eh, malaking balita ‘yan, huh! Alam ninyo naman marahil kung ano ang kalagayan ng isang babae sa loob ng siyam na buwan, huh!

Erwan dedma sa ‘kalandian’ ng asawa

Seksi! ‘Yan ang dating ng bagong movie ni Anne Curtis na “Just A Stranger”. Sa mga nakaraang movies ni Anne gaya ng “BuyBust” at “Sid & Aya”, kakaiba ang tema ng Jason Paul Laxamana film – cheating!

Sagana nga sa lampungan ang pelikula nilang ito ng baguhang si Marco Gumabao. Inilabas muli ng aktres ang kaakit-akit niyang katawan.

Pero wala raw isyu ang bago niyang movie sa asawang si Erwan Heussaff.
“Wala siyang pinagbawal sa akin!” pahayag ni Anne sa presscon ng movie.

Eh matagal na rin niyang gustong gumawa ng sexy-drama kaya naman kahit pagod sa paggawa ng ilang movies ng nakaraang tao, sinunggaban na niya ito bago sumabak sa pang-general p­atronage film kasama si Vice Ganda.

Suwerte siyempre rito si Marco na kahit baguhan eh napapayag si Anne na magpatikim sa kanya, huh!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *