Nadine, Awra napagkamalang kambal sa ABS-CBN Ball

Nakipagpaligsahan ng ganda at angas ang baklitang aktor na si Awra Briguela kay Nadine Lustre sa nakaraang ABS-CBN Ball 2019. Pinuri si Awra ng kanyang mga follower, fan sa photo op nila ni Nadine.

nadine awra napagkamalang kambal sa abs cbn ball - Nadine, Awra napagkamalang kambal sa ABS-CBN Ball
awraxnadine - Nadine, Awra napagkamalang kambal sa ABS-CBN Ball

Nakipagpaligsahan ng ganda at angas ang baklitang aktor na si Awra Briguela kay Nadine Lustre sa nakaraang ABS-CBN Ball 2019. Pinuri si Awra ng kanyang mga follower, fan sa photo op nila ni Nadine.

Sa mga comment ay sinasabi ng mga supporter ng aktor na hindi ito nagpakabog sa ganda ni Nadine sa pagkaka-emote niya sa kanilang larawan.

May ilang biniro si Awra at sinabing hindi nila malaman kung sino sa kanila si Nadine at si Awra. Na dahil magkahawig nga raw ang dalawa, parang kambal nga raw ang mga ito. Parehas kasi ang hairstyle nina Nadine at Awra, at magkaiba nga lang sila ng gown.

Siyempre, ikinatuwa ito nang bonggang-bongga ni Awra na ang intensyon ay makahakot ng atensyon at complimentary remarks mula sa netizen na nagsasabing maganda siya at hindi siya nagpahuli sa mga babaeng artista.

Si Awra na talaga ang susunod sa trono ni Vice Ganda sa pagpapa-girl. (Rey Pumaloy)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *