Nadine anghel sa paningin ni James

Angel ang deskripsiyon ni James Reid sa live-in partner niyang si Nadine Lustre, na nagdiwang ng kanyang kaarawan kamakalawa.

nadine anghel sa paningin ni james - Nadine anghel sa paningin ni James
JaDine - Nadine anghel sa paningin ni James

Jun Nardo I Know Better 31 336x224 - Nadine anghel sa paningin ni JamesAngel ang deskripsiyon ni James Reid sa live-in partner niyang si Nadine Lustre, na nagdiwang ng kanyang kaarawan kamakalawa.

“She’s an angle and I’m her knight in shining armour. HAPPY BIRTHDAY LOVE! @nadine,” caption ni James sa litrato nila ng GF sa kanyang Instagram.

Tugon naman ni Nadine, “ily” na ang ibig sabihin ay I Love You.

Of course, pasabog ang birthday pictorial ni Nadine na walang takot na nag-topless. Eh aprubado naman kay James ang paglalandi sa pictorial ng dyowa dahil wala kaming nabasang kahit anong bayolenteng reaksyon niya, huh!

Khalil ‘princess’ ang turing kay Gabbi

Japan ang naging destinasyon ng ilang Kapuso stars nitong Halloween. Mas naging makabuluhan ang biyahe ni Gabbi Garcia sa Japan dahil kapiling niya ang boyfriend niyang si Khalil Ramos sa Tokyo.

Naglabas ng picture si Khalil sa Twitter kasama ang girlfriend na naka-costume para sa Halloween.

Tweet ng young singer-actor, “Tell me princess @gabbi, now when did you last let your heart decide.”

May halik pa sa pisngi ni Gabbi si Khalil sa picture, huh!

Bukod kay Gabbi, lumipad din si Kyline Alcantara patungong Japan pati na si Heart Evangelista na walang keber sa jetlag kahit kagagaling lamang sa Rome!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *