Nadine angat sa mga kasabayang aktres

NADINE angat sa mga kasabayang aktres

Loved and bashed. ‘Yan ang dalawang magkasalungat na paglalarawan na naiisip namin sa isang Nadine Lustre.

The post Nadine angat sa mga kasabayang aktres appeared first on Abante News Online.

nadine angat sa mga kasabayang aktres - Nadine angat sa mga kasabayang aktres
nadine 8 - Nadine angat sa mga kasabayang aktres

Most hated sa social media:
Ni: Rose Garcia

Loved and bashed. ‘Yan ang dalawang magkasalungat na paglalarawan na naiisip namin sa isang Nadine Lustre.

Bilang isa sa mga popular young actress ngayon, hindi rin matatawaran ang hukbo ng mga tagahanga na meron si Nadine. At karamihan sa kanila, masasabing mga loyal supporters talaga ng Viva at Kapamilya star.

Pero bakit hated? Sa kabila ng napakaraming tagahanga meron si Nadine, kakambal na rin yata nito ang ilan din na paboritong i-bash si Nadine na mababasa sa mga social media page. Pero ang maganda sa kanya, tuloy-tuloy lang siya kung meron man na ayaw sa kanya, meron man na nangba-bash sa kanya.

Sa kabila ng mga ito, heto’t tila napatunayan lang lalo ni Nadine kung ano ang mga kakayahan na meron siya.

Sabi nga namin sa kanya, puwede niyang sabihin na napakagandang taon ng 2019 sa kanya.

“I guess, ako naman po kasi, hindi naman po ako nagbibilang. Every year is probably a good year,” nakangiting pahayag ni Nadine.

“Nagkataon lang na – alam niyo yun, may year na may challenges but every year naman kasi, I became a different person.”

Gusto lang daw niyang mag-enjoy at maging totoo palagi.

“Just have fun and be real. At huwag kakalimutan kung ano ang pinanggalingan.

Bilang Best Actress sa dalawang pagkakataon, Urian Awards at Eddys Choice para sa naging pagganap niya sa pelikulang “Never Not Love You,” ayaw raw maging dahilan ito ni Nadine para ma-pressure siya sa mga proyektong ginagawa niya, tulad nga ng bago niyang movie na “Indak.”

“Well, honestly, kung lalagyan ko po ng pressure, ako lang ang mahihirapan. Kasi, at the back of my head po, iisipin ko lang na kailangan kong gawin ang ganito, kailangan kong higitan o mapantayan ang mga project, siyempre, mahirap din po para sa akin.

“As much as possible, tulad po ng ‘Indak’, kasi ito ‘yung project after ng i-announce ‘yung mga award, enjoy lang.

“Ang importante, as long as you love what you’re doing and hindi mo dina-doubt ‘yung worth mo, ‘yun lang naman po ang importante.”

Angat na angat na nga si Nadine pagdating sa pagiging isang aktres sa mga kasabayan niyang young actress.

Pero ayon dito, “It’s my time lang now. I don’t think naman na it’s gonna be forever. Like I said before, iba-iba kami.

“Baka ngayon lang ang time ko, next time, iba naman.”

Mga JaDine fan
nagpuyos

‘Yun nga lang, dahil sa naiinip na rin ang mga tagahanga ng JaDine, mababasa sa social media na marami sa mga ito ang nagalit dahil hanggang ngayon, wala pa rin daw balita ng anumang proyekto na pagsasamahan nilang dalawa.

‘Yung iba, nagalit nang malaman na sila ni Aga at hindi ang boyfriend na si James ang kasama niya.

“Well, alam niyo po ‘yun, medyo matagal na rin po kami ni James na walang project together sa big screen or kahit sa TV. But I don’t think we should rush things.

“Ako po kasi, naniniwala po kasi ako may right timing for everything. Hindi naman po kailangang magalit or anything, darating po yun. Hintayin na lang po natin.”

Aga super bet ni Nadz

Nai-excite na raw si Nadine na ang makakasama naman niya ngayon sa pelikula ay si Aga Muhlach para sa Pinoy adaptation ng Korean film na “Miracle in Cell No. 7” kunsaan pumasok na rin ito bilang isa sa Top 4 official entry sa 2019 Metro Manila Film Festival.

“Very exciting, pero as of now, inaayos pa po kasi ang mga schedules namin.”

Hindi pa raw niya napapanood ang Korean movie na ito pero marami na raw nagsasabi sa kanya na maganda itong talaga.

Na-brief naman daw siya na ang karater niya sa MIC7 ay hindi talaga ganu’n kahaba kumpara sa karakter ni Aga at sa batang gaganap na siya.
Okay lang din daw ito kay Nadine.

“Ako, okay lang po as long as yung material ay maganda at memorable. Like what I said, hindi naman po ako namimili ng proyekto, sila ang namimili.

“Basta maganda ‘yung proyekto at madali siyang tandaan.”

Aprub kay Jane bilang Darna

Ilang araw pa lang ang nakalilipas nang opisyal na i-announce ang bagong Darna na si Jane de Leon. Positibo naman si Nadine sa pagkakapili kay Jane sa kabila nga na siya pa rin ang gusto ng karamihan na sumigaw ng “Darna!”
“It’s nice po na ako ang nakikita nila,” masayang sabi naman ni Nadine.
“In the very beginning naman po, like what I said, I was never expecting and I didn’t auditioned din naman po.

“It’s nice na si Jane (de Leon) ang nakuha. I see her a couple of times, common friends. It’s nice na siya po ang bagong nakuha.”

Beyoncé ng Pilipinas

Pagdating sa husay sa pagsayaw at pag-perform, si Nadine raw ang puwedeng sabihing Beyoncé ng Pilipinas na makikita lalo sa dance movie nila ni Sam Concepcion na “Indak.”

“Beyoncé? Bakit naman Beyoncé?” natatawa at nagugulat niyang reaksyon.
“Okay yun, pero sana naman ganu’n nga. Saan po galing ‘yun? Hindi naman po ako makapaniwala,” natawa na lang na sabi niya.

Nang tanungin si Nadine kung sino ang idol niya pagdating sa sayawan, ang head ng G-Force na si Teacher Georchelle ang binanggit niya.

“Honestly, si Teacher G talaga, I really look up to her. Kasi, napaka­galing niyang sumayaw. She was able to put a lot of talents, all G-Force members to put on stage.

“Even me, kapag napapanood ko siya, nai-inspire talaga ko.”
Pero sa international, sey niya, “I love Janet Jackson growing up.”

The post Nadine angat sa mga kasabayang aktres appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *