Nade-depress: Nadine alsa balutan na rin sa Viva?

Inamin ni Nadine Lustre na choice niyang talaga na mag-lie low muna sa pagtanggap ng sunod-sunod na proyekto. ‘Yun din ang dahilan kung bakit hindi siya natuloy sa pang-MMFF na “Miracle in Cell No. 7”.

nade depress nadine alsa balutan na rin sa viva - Nade-depress: Nadine alsa balutan na rin sa Viva?
nadine 10 - Nade-depress: Nadine alsa balutan na rin sa Viva?

Ni Rose Garcia

Inamin ni Nadine Lustre na choice niyang talaga na mag-lie low muna sa pagtanggap ng sunod-sunod na proyekto. ‘Yun din ang dahilan kung bakit hindi siya natuloy sa pang-MMFF na “Miracle in Cell No. 7”.

Ayon kay Nadine, “Naisip ko lang po kasi na parang naging hectic na ako since last year pa. Simula nang mag-shoot kami ng ‘Ulan’ which is last year pa hanggang mid-year, parang gusto kong ibigay naman sa sarili ko ang the rest of the year.”

Siya raw kasi ‘yung tao na gusto niya, nabibigay niya ang sarili niya sa mga gusto niyang gawin like being creative, traveling. Parang nade-depress daw siya kapag hindi niya ito nagagawa.

Sa ngayon daw, she is preparing for an album na siya rin ang nagsusulat, which is under her boyfriend’s James Reid’s label.

Nakausap namin si Nadine sa ginanap na Mobile Legends Bang Bang Liga2 Kontrabida na ginanap sa Music Hall ng Mall of Asia. Nag-co-host at nakipaglaro rin si Nadine sa ibang gamers.

Beginner level pa lang daw siya dahil tumigil daw siya for a while na maglaro ng sikat na online game na Mobile Legends nga. Pero natuwa raw siya nang i-tap siya ng ML na gawing ambassador at maging face of the game rin bilang si Lady Luster.

Dito namin natanong si Nadine tungkol kay James na umalis sa poder ng VIVA at may bali-balita na posibleng siya rin daw.

Sabi naman ni Nadine, “I think with James, his contract ended naman po. Me naman, I’ve been with VIVA for ten years and okay naman po kami.”

Marian, Ziggy, Zia mega-pasyal habang wala si Dingdong

Maiko-cross out na ni Dingdong Dantes ang isa sa mga pangarap lang niya dati, ang tumakbo sa Berlin Marathon. Tagumpay na natapos ni Dingdong ang 42 kilometer race ng Berlin Marathon with other 50,000 runners all over the world. At ang pinaka-recent post ni Dingdong sa kanyang Instagram account ay isang bote ng cold beer at ang medal niya na may nakalagay na Berlin 2019.

Sabi ni Dingdong sa una niyang post regarding the race at bago niya matapos ang finish line, “Sabi nga ng utol ko, ‘ang tunay na finish line ay nag-aantay sa bahay.’ Tumpak! I’ll be home soon my loves. This is it!”

At sinundan niya ito ng, “More than the finish line medal, I was just really looking forward to having this glass of cold beer with my teemmates and friends.”

Sa lahat ng ito, suportado lang ni Marian ang asawa at habang wala si Dingdong, doting Mommy naman si Yan sa dalawang anak nila na sina Zia at Ziggy. Nandiyang ipinapasyal niya ang mga ito.

Dalawang linggo ring nawala si Dingdong kasama ang iba pang mga runner mula sa Pilipinas tulad nina Kim Atienza, Tim Yap at iba pa.

Pag-uwi ni Dingdong, bukod sa siyempre, siguradong he will spend time muna with his mag-iina, balik taping na ito agad ng “Descendants of the Sun”.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *