Myrtle super daring ngayon

Myrtle super daring ngayon

Sa “Ang Henerasyong Sumuko sa Love”, si Myrtle Sarrosa ang mas agresibo sa kanilang dalawa ng kapareha niya rito na si Albie Casiño. Si Myrtle rin ang jaded na pagdating sa love.

myrtle super daring ngayon - Myrtle super daring ngayon
myrtel - Myrtle super daring ngayon

Ni Rose Garcia

Sa “Ang Henerasyong Sumuko sa Love”, si Myrtle Sarrosa ang mas agresibo sa kanilang dalawa ng kapareha niya rito na si Albie Casiño. Si Myrtle rin ang jaded na pagdating sa love.

At hindi niya makakalimutan ang movie dahil first time niya sa love scene.

“‘Yung love scene kasi namin, parang college – parang ‘yung kuwarto ng lalaki, ang gulo-gulo. Magkakabarkada kami, pero kami lang ni Albie ‘yung couple.”

Ngayon daw, mas gusto na ni Myrtle na gumawa ng mga karakter na talagang akma na sa age niya.

Ayon dito, “Mas gusto ko na ngayon ‘yung roles na more for my age. Kung mag-a-accept ako ng mga role, dapat adulting na.”

Tinanong din namin si Myrtle kung ano ang kaibahan niya ngayon sa hindi pa “adulting Myrtle” dati.

“Ang dami ko nang experiences ngayon in life kasi before, noong pumasok ako sa showbiz, sobrang naive. Ayoko ng nagmumura. ‘Yung very traditional. Ngayon kasi, I’m more exposed sa culture ng millennial.

Ayaw na sa showbiz boylet

Inamin naman ni Myrtle na dating a guy siya ngayon na non-showbiz. At hindi niya itinanggi na hangga’t maaari, ayaw na muna raw niya na taga-showbiz.

‘Yung last relationship niya raw ay noong isang taon pa.

“Parang wala, wala ring nangyari, e,” natawang sabi niya.

“Parang gamer nga siya.”

Suko na sa pag ibig

Kung si Jane ay hindi sinusukuan ang love, si Myrtle naman ay sumuko na raw.

“‘Yun, du’n nga sa gamer na ‘yun,” natawang sabi niya.

Binigay niya bang lahat?

“Hindi naman, nagpakabulag lang ako. Parang gusto ko lang siya maging masaya. Parang gusto ko lang mag-work ‘yung relationship.”

Kinuwento ni Myrtle na hindi na raw siya nag-isip, basta binilhan daw niya ito ng gamit sa online game.

“Actually, hiningi niya – well, dapat bibilhin niya sa sarili niya pero ako, hindi na, ako na lang ang bibili para sa ‘yo, hahanapin ko. Item siya sa game na Ragnarok.

“Sa black market ko siya binili, parang sa gaming, bawal ‘yun actually.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *