Myrtle magkasunod tinikman sina Rayver, Rodjun

Sino kaya ang pipiliin ni Myrtle Sarrosa sa Cruz brothers na sina Rodjun at Rayver?

The post Myrtle magkasunod tinikman sina Rayver, Rodjun first appeared on Abante.

myrtle magkasunod tinikman sina rayver rodjun - Myrtle magkasunod tinikman sina Rayver, Rodjun
12 1 - Myrtle magkasunod tinikman sina Rayver, Rodjun

Sino kaya ang pipiliin ni Myrtle Sarrosa sa Cruz brothers na sina Rodjun at Rayver?

Ito ang dapat abangan sa Tadhana na pagbibidahan ng tatlong Kapuso star.

Sa kuwento, mapagmahal na asawa si Mona (Myrtle). Long distance ang relasyon nila ni Diego (Rodjun) na isang OFW. Sa pag-aasikaso ng kanyang maliit na bakery, katulong ni Mona ang kapatid ni Diego na si Natoy (Rayver).

Isang araw ay nasunog ang pinapasukang factory ni Diego at isa siya sa mga napabalitang nasawi. Mula noon, si Natoy na ang naging kasama ni Mona sa pagharap sa lungkot ng pagkawala ng kanyang asawa, hanggang sa tuluyan nang nahulog ang loob nila sa isa’t isa.

Pero biglang bumalik si Diego sa kanilang mga buhay. Aaminin kaya ni Mona ang relasyon niya sa utol ng asawa o mananatili itong lihim?

Exciting ang episode na ito ng Tadhana, hosted by Marian Rivera, kaya tutok na ngayong Sabado (January 9), 3:15 p.m. sa GMA Network. (Dondon Sermino)

The post Myrtle magkasunod tinikman sina Rayver, Rodjun first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *