Mylene Dizon ayaw nang maghubo

Una at huling pag-huhubad na ni Mylene Dizon ang paglabas niya sa “Belle Douler”, ang isa sa Cine-malaya 2019 film entry na pinagbidahan rin ni Kit Thompson at directorial debut ni Atty. Joji Alonzo.

mylene dizon ayaw nang maghubo - Mylene Dizon ayaw nang maghubo
ABANTE Mylene - Mylene Dizon ayaw nang maghubo

tonite oh laban ka rey pumaloy 336x224 - Mylene Dizon ayaw nang maghuboUna at huling pag-huhubad na ni Mylene Dizon ang paglabas niya sa “Belle Douler”, ang isa sa Cine-malaya 2019 film entry na pinagbidahan rin ni Kit Thompson at directorial debut ni Atty. Joji Alonzo.

Hindi makapaniwala si Mylene na sa edad nito ngayon, nagawa pa niyang maghubo’t hubad sa harap ng ibang tao.

Naging mahirap kay Mylene na gawin ang buong pelikula na meron siyang love scene kay Kit.

Ipinagpaalam at ipinaliwanag pa niya nang mabuti sa kasintahang si Jason Webb ang kuwento, lalo na ang gagawin niyang paghuhubad para hindi sila magkaroon ng problema sa kanilang pagsasama.

Bagama’t, tala-gang noon pa ayaw ni Mylene ng mga direktang daring scenes, hindi siya nakaligtas sa eksena niya sa “BD”.

Paliwanag ng aktres sa presscon ng movie noong Martes, gusto niyang bigyang katuparan ang pangarap ni Atty. Joji na makapag-direk ng pelikula, kaya ibinigay niya ang lahat-lahat ng tapang niya bilang aktres.

Mula sa shooting ng movie hanggang matapos ito at ilabas sa premiere showing nito sa CCP, kabadong-kabado ang aktres.

Natuwa naman ito at ang buong team ng pelikula sa full house attendance ng mga nanood ng kanilang pelikula.

Tinawag na panget, Kakai humagulgol

Iniyakan ni Kakai Bautista ang pambu-bully sa kanya ng isang audience na laging isinisigaw nito habang nagsu-show na “panget”.

Sa post ng komed-yante sa kanyang Instagram wall nang close up selfie photo niya, ikinuwento nitong sa isang ginawa nitong show, tinawag siyang panget nang ilang beses ng isang manonood sa kalagitnaan ng kanyang performance.

Pikon na pikon na si Kakai at halos sasabog na ang galit niya, pero tinimpi niya ito sa pagnanais na tapusin ang trabaho niya.

Pag-uwi sa bahay, doon umiyak nang husto si Kakai sa sobrang sama ng loob.

Ito ang naging tur-ning-point ni Kakai para deadmahin ang mga nanlalait sa kanya at mahalin ang kung anong itsurang meron siya.

Ang post ni Kakai tungkol sa kanyang karanasan ay para magbigay-inspirasyon sa lahat ng gaya niyang hindi nabiyayaan ng magandang mukha, na tanggapin ang sarili.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *