Musical in ngayon

Hindi makakailang big business ngayon ang mga musical. Andiyan ang box-office hits na “Carol King Beautiful musical”, “Rak of Aegis”, at siyempre pa “Ang Hu-ling El Bimbo” at “Eto NAPO sila.” Ngayon naman, back with an artistic vengeance ang “Binondo, A Tsinoy Musical” na itatanghal sa Hulyo 12 sa the Theatre at Solaire, Pasay City. Ang Gala night ay magaganap, 8 p.m.; July 13, at 3 p.m. and 8 p.m.; at July 14 at 3 p.m.

The post Musical in ngayon appeared first on Abante News Online.

musical in ngayon - Musical in ngayon
Abante Shiela Valderrama Martine - Musical in ngayon

Hindi makakailang big business ngayon ang mga musical. Andiyan ang box-office hits na “Carol King Beautiful musical”, “Rak of Aegis”, at siyempre pa “Ang Hu-ling El Bimbo” at “Eto NAPO sila.” Ngayon naman, back with an artistic vengeance ang “Binondo, A Tsinoy Musical” na itatanghal sa Hulyo 12 sa the Theatre at Solaire, Pasay City. Ang Gala night ay magaganap, 8 p.m.; July 13, at 3 p.m. and 8 p.m.; at July 14 at 3 p.m.

Bakit nga ba dapat itong panoorin? Una, Ang Joel Lamangan directed anim na tropeo lang naman ang inuwi mula sa ALIW Awards — Best Original Musical Production; Best Stage Director (Musical) for Lamangan; Best Ensembile Performance; Best Composer for Original Musical Theater (Von de Guzman); Best Actress (Musical) Carla Gievara-Laforteza; at Best Actor (Musical) for David Ezra.
Pangalawa, ito ay may kasaysayan ng walang kamatayang pagmamahalan, dalawang dekada ang tinagal, ang kaganapan ay sa dalawang bansa at buhay na patotoo na ang pagmamahalan ay dalisay at wagas, meron pa tala-gang magpakailanman.
Ang likhang awit at musika ni Maestro Von de Guzman ay sadyang katangi-tangi, humahaplos sa puso at talagang tumatagos sa kaibuturan ng mga manood at makikinig. Sadyang ang kanyang mga komposisyon para sa musical na ito ay inyong dapat maranasan.
Ang ilang pang tiyak na makaka-enganyo sa inyong panoorin siya ay sina Shiela Valderrama-Martine na binigyang puso at kaluluwa ang katauhang si Lily at si Arman Ferrer, na binigyang boses at pagkalalaki si Ah Tiong. Sina Lily at Tiong ay pwedeng sabihin na isang Filipinang Juliet at Instik na Romeo na hindi lang pa-milya ang ‘di magkasundo, ang katotohanang ang isa ay Pinay at isa ay Instik, hindi pa katanggap-tanggap sa panahong nangyari ang pagmamahalan nila.
Ang sabi ni Martinez: “The musical is very rela- table and very relevant even if the events happened during the ‘70s. You know, the story is very Pinoy. It’s the kind of love story that we like to watch — we like kilig, we like to cry, a little bit of anger here and there.”
“I am excited that I will be performing with Sheila again,” pahayag ni Ferrer.
Pagtatapos niya, “Most of the people in Binondo, from my co-actors, ensemble, artistic and production staff, we were together since “Maynila Sa Mga Kuko ng Liwanag”, the musical. We have become family. We are family. Working with your family makes work not like work because there is so much love and respect, positive energies that gives you the push to give your best.”
Kasama rin sa cast sina Noel Rayos (Carlos), Mariella Laurel (Jasmine), Ima Castro (Mrs. Dela Rosa), Ashley Mickaela Factor (Rubi), Dondi Ong (Mr. Chua), Kay Balajadia (Mrs. Chua), Jennifer dela Cruz (Lourdes), Elizabeth Chua (Mrs. Zhang), Russell Magno (Mr. Zhang), Jonel Mojica (Ge Lao), at Philip Deles (Swing).
Ang mga tagapagsalaysay: Jim Pebangco, Lorenz Martinez, Khalil Kaimo, Rhapsody Li, and Ellrica Laguardia.
Ang mga katuwang nina director Joel Lamangan at musical director at composer Von de Guzman ay sina: Rebecca Chuaunsu (original story), Douglas Nierras (Choreography) and Ricky Lee, Gershom Chua, and Eljay Castro Deldoc (book and lyrics).
Maritess Alava-Yong Foundation ay buong puso at pagmamamahal na tinataguyod ang “Binondo: A Tsinoy Musical”.
Para sa tickets: mangyaring tumawag sa Ticketworld, (891-9999).

The post Musical in ngayon appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *