Mukha raw maglalatik: Alden pinagtawanan nina Maine, Bossing

Asar talo nga si Alden Richards dahil sa suot niya sa Eat Bulaga, na hoodie (sweatshirt na may hood na kulay pula). Nagmukha nga kasing costume sa ‘maglalatik’ ang suot ni Alden.

mukha raw maglalatik alden pinagtawanan nina maine bossing - Mukha raw maglalatik: Alden pinagtawanan nina Maine, Bossing
abante alden richards 1 - Mukha raw maglalatik: Alden pinagtawanan nina Maine, Bossing

Dondon Sermino Paistaran 1 1 300x200 - Mukha raw maglalatik: Alden pinagtawanan nina Maine, BossingAsar talo nga si Alden Richards dahil sa suot niya sa Eat Bulaga, na hoodie (sweatshirt na may hood na kulay pula). Nagmukha nga kasing costume sa ‘maglalatik’ ang suot ni Alden.

Si Bossing nga ang nakapansin na parang maglalatik costume ang suot ni Alden, na tinawanan talaga nang husto nina Maine, Jose Manalo, Paolo Ballesteros at Wally Bayola.

Naloka nga si Alden nang tanunging siya ni Bossing na, ‘Anong oras ang sayaw mo ng maglalatik?’ na agad ngang sinundan ng tawa ng mga kasamahan niya sa Eat Bulaga.

At ilang minuto lang ang n akalipas ay nagpalit na ng shirt si Alden, para makaiwas sa matinding tukso.

Paubos na ang ipon:

Gerald nagpapaupa ng basketball court

Dahil paubos na ang income o ipon ng maraming artista, tama lang na mag-isip pa sila ng mga dapat pagkakitaan.

Kaya naman si Gerald Anderson, naisipan na ring paupahan ang gym, o basketball court na pag-aari niya. Makikita sa Instagram story ni Gerald ang anunsiyo na ‘Basketball Court Exclusive Use For Only P800/Hour.’

Meaning, sa halagang P800 ay magagamit mo sa loob ng isang oras ang basketball court niya (na The 3rd Floor ang name). Pero dapat ay maximum of 6 na manlalaro lang ang gagamit.

At least, kahit hindi muna gumagawa ng teleserye si Gerald (ang A Soldier’s Heart ang teleserye niya ngayon na umeera sa ABS-CBN), may pagkakakitaan pa rin siya.

Ipinakita naman ni Gerald na handa sila, na dinisinfect muna talaga nila ang lugar bago ipagamit sa iba.

Kim Arda kinawawa ng mga bully

Kasama si Kim Arda sa mga kinaaliwan kong vlogger sa YouTube, pati na sina Medyo Maldito, Snake Princess, Jasper Amorin, na puro mga nakabase sa parteng Visayas.

Kaya hindi na ako nagulat noong mag-trending (#1) si Kim sa Twitter, at `yon ay dahil sa isang vlog niya na nagrereklamo siya tungkol sa mga poser niya.

Iyak siya nang iyak, dahil pinaghihirapan nga naman daw niya ang mga content niya, tapos ay ginagamit lang ng ibang tao. At nakiusap siyang tulungan siyang i-report ang mga mapagsamantalang netizen na `yon.

At dahil bisaya nga si Kim, may mga bumatikos, o nam-bully talaga sa kanya. Na ewan ko kung bakit, dahil para sa akin, naaliw akong panoorin ang grupo nila kapag bisaya ang pananalita nila.

Para sa akin, ang cute ng dating, at kahit papaano ay may natututunan ako sa pananalita nila.

Well, sa panahon ngayon, kung sino na `yung inapi, siya pa ang binu-bully ng mga walang magawa, o walang puso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *