Mukha ni Angel pina-tattoo ng Cebuana

‘Yung ­maloka-loka si Angel ­Locsin dahil sa isa ­niyang fan na babae. Kunsabagay, sino ba naman­ ang hindi maloloka­, kung ang mukha mo ay ipa-tattoo mismo sa braso, ‘di ba?

mukha ni angel pina tattoo ng cebuana - Mukha ni Angel pina-tattoo ng Cebuana
ABANTE ange 2 - Mukha ni Angel pina-tattoo ng Cebuana

‘Tinalo pa ang fiance ko’

‘Yung ­maloka-loka si Angel ­Locsin dahil sa isa ­niyang fan na babae. Kunsabagay, sino ba naman­ ang hindi maloloka­, kung ang mukha mo ay ipa-tattoo mismo sa braso, ‘di ba?

At isang babae pa ang gumawa noon kay ­Angel. Ganu’n katindi ang ­pagiging fanatic ng girl na ito, na mula sa Cebu, at may Instagram account name na @genarralocsin.

“Oh ito po miss Angel Locsin, pina-cover up ko na poh para mapansin niyo po idol. Isa lang po ang hiling ko ang ma-meet kita in person. Sana po mapansin niyo na po ako parang awa niyo na po. Tiniis ko po ang sakit para mas ma­ging maayos po ang kuha ng tattoo ko, tanda po yan nang pagiging loyal ko sa’yo idol miss Angel Locsin.”

Oh, ‘di ba? Kaya ang Angel, super ­react, na may kasamang ­katuwaan, pero at the same time, parang pagkamangha na rin.

“Whoa… intense! Tinalo mo pa ang fiancé ko!” sabi niya.

“Pag nagawi ako sa Cebu, magkita tayo!” saad pa ni Angel.

I’m sure, super happy ngayon ang Cebuana dahil­ napansin na siya ni Angel, at posibleng matupad na ang pangarap niya. (Dondon Sermino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *