Move on na girl: Rhian humagulgol sa IG

Noong October 3 ay nag-celebrate ng kanyang ika-30th birthday ang Kapuso actress na si Rhian Ramos. Espesyal kay Rhian ang birthday niya ngayon dahil turning point ito ng simula ng bagong dekada sa buhay niya.

The post Move on na girl: Rhian humagulgol sa IG first appeared on Abante.

move on na girl rhian humagulgol sa ig - Move on na girl: Rhian humagulgol sa IG
Rhian Ramos 3 - Move on na girl: Rhian humagulgol sa IG

Rose Garcia Ansabeh 14 300x157 - Move on na girl: Rhian humagulgol sa IGNoong October 3 ay nag-celebrate ng kanyang ika-30th birthday ang Kapuso actress na si Rhian Ramos. Espesyal kay Rhian ang birthday niya ngayon dahil turning point ito ng simula ng bagong dekada sa buhay niya.

Inamin niya sa ginawa niyang Instagram Live na umiyak daw siya nang salubungin niya ang kanyang kaarawan.

“Nagsalubong kasi ako na mag-isa. ‘Di ba, sabi ko nga, sobrang excited ako na mag-30. I mean, not for anything but you know, just to think, I carry kasi a lot of feelings with me everyday. From what happened in the past, whatever.

“In my 20’s kasi, they we’re great, they we’re fun and I tried to really have much fun as possible. Do everything that makes me laugh, makes me happy. But my 20’s was also peppered with so much painful moments and things like that,” sabi niya.

Nang mag-countdown daw siya nang mag-12 midnight na at official na 30 year old na siya, naiyak daw siya dahil naramdaman niyang bagong tao na siya.

“Naramdaman ko na I’m a new person and it’s important kasi that everyday, you try to be a better version of yourself. Tomorrow, I’m going to be better than today and tomorrow after that, I’ll be better than tomorrow.

“So, parang naramdaman ko lang that because it’s the end of the decade, I’m happy to say goodbye to the old version of me. And I’m ready to meet the new me.”

Tinawag din ito ni Rhian bilang self love naman daw.

Maraming pinagdaanan si Rhian ngayong pandemic at isa na rito ang naging break-up niya sa kanyang boyfriend. Hindi rin niya napansin na sobrang naglu-lose na siya ng weight.

Ibinalita rin niya na balik trabaho na nga siya kaya hindi siya makapag-stay kasama ang pamilya. Ayaw raw niya na pagkagaling sa lock in taping, uuwi siya sa mommy at kapatid niya not knowing na baka may naiuwi na rin siyang virus.

Nakapag-taping na siya ng I Can See You at magre-resume na rin daw sila ng taping para sa GMA Telebabad na “Love of My Life.” At dahil matagal na lock in taping ito, nakaplano na si Rhian sa lahat ng dadalhin niya, including lutuan at mga pagkain.

***

Alden may pasabog sa Dec. 8

Nag-pictorial na ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards para sa kanyang 10th year showbiz anniversary celebration sa darating na December. Hindi rin ito nagpapigil na hindi magkaroon ng bonggang selebrasyon ang ika-isang dekada niya sa showbiz na talaga namang napaka-mabunga.

Dapat ay sa isang bonggang concert sa Araneta Coliseum ang culminating ng kanyang 10thyears, kaso nga lang ay nagkaroon ng pandemic kaya hindi ito naituloy.

Pero obvious na may inihahanda si Alden. Sa isang Instagram video ay ibinahagi niya ang behind-the-scenes ng kanyang pictorial para rito, “Silip muna. Let’s experience it together on December 8.” Kasunod ang mga hashtags na AldensReality, AldenRoadtoTen.

Samantala, maganda rin ang naging feedback ng viewers at netizens sa kakatapos lang na mini-series ni Alden na ‘I Can See You: Love On The Balcony’ kung saan nakatambal niya si Jasmine Curtis-Smith. Kahit pa isang linggo lang umere ang programa, maraming viewers ang natuwa sa magandang kwento, at mahusay na pagkakalatag ng mga eksena.

Marami rin ang umaasa na sana raw, mabigyan pa ng chance na magkatambal muli ang dalawa sa mas mahabang serye.

The post Move on na girl: Rhian humagulgol sa IG first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *