Mother Lily, Lolit dasal ang pagbabati ng mga Barretto

Ang exclusive interview ni Marjorie Barretto kay Karen Davila sa ABS-CBN ang topic ng tsikahan namin ni Manay Lolit Solis sa presscon ng “The Annulment” ng Regal Entertainment.

mother lily lolit dasal ang pagbabati ng mga barretto - Mother Lily, Lolit dasal ang pagbabati ng mga Barretto
lolit x mother lily - Mother Lily, Lolit dasal ang pagbabati ng mga Barretto

Jun Lalin Anything Goes 29 336x224 - Mother Lily, Lolit dasal ang pagbabati ng mga BarrettoAng exclusive interview ni Marjorie Barretto kay Karen Davila sa ABS-CBN ang topic ng tsikahan namin ni Manay Lolit Solis sa presscon ng “The Annulment” ng Regal Entertainment.

Sabi ni Manay Lolit, “I’m impressed sa interview ni Marjorie. She handled it very well!”

Pero may ibang mga nasabi raw si Marjorie na sana ay hindi na lang.

“If napanood mo ang interview, ‘yung about sa Tatay na sinabi ni Gretchen, sana huwag na lang,” sabi ni Manay Lolit.

Pero sa tingin ba ni Manay Lolit biglang uuwi ng Philippines si Gretchen para sagutin naman ang mga sinabi ni Marjorie sa exclusive interview nito kay Karen?

“Kahit naman sa abroad puwede siyang magpa-interview, ‘di ba?!” sabi ni Manay Lolit.

Wish pa rin ni Manay Lolit na magkabati-bati sina Gretchen, Marjorie, Claudine at ang buong pamilya nila dahil, “Magkakadugo sila and in the end, sila pa rin ang magkakampi kahit ano pa ang galit nila ngayon sa isa’t isa.

“At sa mga nakisawsaw, ang ending, sa kanila pa magagalit ang Barretto sisters, kaya ayokong kumampi kahit kanino sa kanila, ‘noh?!” sey pa ni Manay Lolit.

Ang bongga!

Si Mother Lily naman, sinabing love niya ang Barretto sisters and sana ma-stop na ang mga issue sa pamilya.

“Let’s just pray for them!” sabi ng Regal Entertainment producer na siyang unang producer noon ni Gretchen.

Kahit anong kulit ng entertainment press kay Mother Lily na mag-comment siya tungkol sa kaguluhan ng pamilya Barretto ay talagang ayaw niyang mag-comment.

Lovi movie nanganib sa MTRCB dahil sa puwet ni Joem

Going back to Manay Lolit, hangang-hanga siya kay Lovi Poe dahil dumating daw siya sa Valencia Events Place ng before 11:00AM, pero, “Nauna pa sa akin si Lovi. Nasa taas na siya. Magpapaayos na kahit 12:00noon pa ang invite sa presscon ng ‘The Annulment’. Bibilib ka, sobrang professional.”

Puring-puri nga ni Manay Lolit si Lovi at pati sa mag-inang Mother Lily at Roselle Monteverde ay kuwento siya nang kuwento.

Anyway, ang direktor na si Mac Alejandre, tinanong si Roselle kung ano ang MTRCB classification nila, pero hindi pa naman sila nakakapagpa-review.

Pero baka nga raw R-13 sila dahil nagpakita pala ng puwet si Joem Bascon.

Ang tsika nga pala, super-kinis ang puwet ni Joem.

Tatanggalin kaya ni Direk Mac ang pa-puwet scene ni Joem para hindi sila maging R-13?

“Naku, huwag mong ipatanggal, si Marco Gumabao, nagpakita rin naman ng puwet,” sabi naman ng ibang mga kaharap namin.

Pinalakpakan nga pala ang trailer ng “The Annulment” na ipinalabas bago nagsimula ang presscon kahapon.

Nice!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *