Mother Lily kinilalang ‘Mother of Philippine Cinema’

Sumuporta ang mag-inang Lily at Roselle Monteverde sa Sine Sandaan project ni Liza Dino-Esguerra, chairman ng Film Development Council of the Philippines, na ginanap last Thursday, September 12, 2019 sa New Frontier Theater.

mother lily kinilalang mother of philippine cinema - Mother Lily kinilalang ‘Mother of Philippine Cinema’
MotherLily - Mother Lily kinilalang ‘Mother of Philippine Cinema’

Jun Nardo I Know Better 9 336x224 - Mother Lily kinilalang ‘Mother of Philippine Cinema’

Sumuporta ang mag-inang Lily at Roselle Monteverde sa Sine Sandaan project ni Liza Dino-Esguerra, chairman ng Film Development Council of the Philippines, na ginanap last Thursday, September 12, 2019 sa New Frontier Theater.

Ginawaran ng recognition si Mother Lily bilang movie producer na nag-ambag ng maraming magagandang pelikula at hanggang ngayon ay pinatutunayan ang pagmamahal sa industry sa patuloy na pag-produce ng movies.

Si Mother ang kinilala ng FDCP bilang Mother of Philippine Cinema kaya naman ang Regal matriarch ay sinuklian ang rekognisyon niyang ito mula sa FDCP.

Base sa mga naglabasang photo ng mga artistang dumalo, tagumpay ang project ni Chairman Liza Dino para sa 100 years of Philippine cinema. May kulang mang ibang artista, sapat na ‘yung napagsama-sama niya ang mga luminary, icon sa pelikula mula sa senior stars hanggang sa millennial stars sa kasalukuyan.

Matitigil na marahil ang pambabatikos kay Liza dahil sa tagumpay ng event para sa nagtatrabaho sa film industry.

Samantala, nagsimula na kahapon ang palabas ng mga entry sa Pista ng Pelikulang Pilipino kahapon. Natupad ang inaasam-asam ni FDCP chair na magbukas ng Biyernes ang pelikula.

Pero parang after ng PPP, balik ulit sa Wednesday ang opening ng mga pelikula, huh!

Matira ang matibay!

Matira ang matibay, magaling at artistahin sa Final 4 ng “StarStruck” dahil patapos na ang journey nila hanggang bukas sa second part ng finals.

Sina Shayne Sava at Lexi Gonzales ang magbabakbakan sa Ultimate Female Survivor habang sina Kim de Leon at Allen Ansay naman sa Ultimate Male Survivor.

Ang mananalo ay mula sa 50 percent score ng judges na sina Cherie Gil, Jose Manalo at Heart Evangelista habang ang remaining 50 per cent ay mula sa audience votes.

Ngayong gabi ang last artista search ng Final Four at bukas ang grand announcement.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *