Mother Lily ‘di galit sa pang-iisnab ng MMFF

Celebrating life ang ginagawa ngayon ni Mother Lily. Why not? Wala na siyang kailangang patunayan bilang best movie producer, huh!

mother lily di galit sa pang iisnab ng mmff - Mother Lily ‘di galit sa pang-iisnab ng MMFF
mother liliy - Mother Lily ‘di galit sa pang-iisnab ng MMFF

Jun Nardo I Know Better 27 336x224 - Mother Lily ‘di galit sa pang-iisnab ng MMFFCelebrating life ang ginagawa ngayon ni Mother Lily. Why not? Wala na siyang kailangang patunayan bilang best movie producer, huh!

Kaya naman kahit hindi nakuha sa coming MMFF ang “The Heiress” ng Regal Entertainment, walang panahon si Mother na magreklamo.

After all, pagdating sa paggawa ng horror films, may sarili na ngang tatak ang Regal na tinatangkilik ng publiko, huh!

Maging sa gulong nangyayari sa Barretto sisters, hands off si Madera dahil she has other better things to do!

Anyway, kaugnay ng coming horror film na pinagbibidahan ni Maricel Soriano, magkakaroon ng “The Heiress at Haunted Manila Festival” sa October 26-31 sa Filinvest Grounds sa Alabang at ma-e-experience ang mundo ng mga barang.

Jennylyn nag-enjoy sa ‘instrumento’ ni Dennis

Level-up na ang pagmamahal ni Jennylyn Mercado sa music. Aba, bukod sa pagkanta, natuto na rin siyang mag-play ng musical instrument na drum, huh!

Ang pag-play ng drums ang latest episode na mapapanood sa vlog ni Jen na “Jen Survives”. Eh ang boyfriend na si Dennis Trillo ang nagturo sa kanya kaya with Dennis’ touch ang pag-aaral niya nito. At mismong ang instrument ni Dennis ang ginamit niya, ha!

Bale bahagi ng continuing “CoLove” nila ni Dens ang episode ng pagtugtog niya ng instrument. Isiningit niya talaga ito kahit nagti-taping ng “Descendants of the Sun” .

Sarah pang-best actress ang acting sa ‘Unforgettable’

Best Sarah Geronimo’s film to date ang “Unforgettable”, ayon sa mga naglabasang reviews. Hindi kasi ito ‘yung usual na rom-com movie na nagawa na ng Pop Star Royalty kaya nagustuhan ito ng manonood.

Sabi nga, malaki ang chance ni Sarah na humamig ng award sa susunod na taon.

From sold out concerts hanggang sa blockbuster films at maraming awards, nasaksihan ang galing ni Sarah sa pag-arte. Kakaibang kuwento ito tungkol sa pagmamahal sa pamilya at kaibigan.

May matututunan sa movie ang Barretto sisters, huh! Kaya kung ako sa inyo Gretchen, Marjorie, Claudine, at kahit na sina Julia at Nicole, nood na lang kayo ng “Unforgettable”, ha!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *