Mother Lily, Annabelle mahal na mahal ang print media

Alam mo, Dondon, dahil sa matin­ding jet lag, sobrang sama ng pakiramdam ko, kaya ilang oras din akong nag-stay sa Power Plant Mall. Mabuti na lang at nandoroon din pala si Annabelle Rama, may katsikahan ako.

mother lily annabelle mahal na mahal ang print media - Mother Lily, Annabelle mahal na mahal ang print media
ABANTE rama - Mother Lily, Annabelle mahal na mahal ang print media

abante anything goes jun lalin 336x224 - Mother Lily, Annabelle mahal na mahal ang print mediaAlam mo, Dondon, dahil sa matin­ding jet lag, sobrang sama ng pakiramdam ko, kaya ilang oras din akong nag-stay sa Power Plant Mall. Mabuti na lang at nandoroon din pala si Annabelle Rama, may katsikahan ako.

Nakakatuwa lang si Bisaya dahil alam mong araw-araw siyang nagbabasa ng Abante at puro tungkol sa blind items na lumabas dito ang inuusisa niya sa akin, huh!

In fairness to her, isa siya sa araw-araw pa rin na nagpapabili ng print ng mga paborito niyang tabloids at broadsheet.

Yes, mahilig na rin naman siyang mag-surf sa internet, pero never daw siyang nag-enjoy sa pagbabasa ng showbiz news doon, kaya print copies pa rin ang gusto niya.

Actually, mahilig tala­gang makipagkuwentuhan sa entertainment press si Bisaya. Sa katunayan, madalas niyang ikuwento na noong nagsisimula pa lang siya sa showbiz ay movie reporters ang mga kabarkada niya.

Grabe nga ang friendship ni Bisaya sa mga kapwa ko manunulat ng showbiz news.

Sa ngayon, ang madalas namang makasama ni Bisaya ay ang Regal Entertainment, Inc. producer na si Mother Lily Monteverde.

Nang abutin na nga kami ng gabi noong Thursday, ang dialogue niya, “Hindi, hindi pa tumatawag si Mother Lily. Hindi pa nag-i-invite na mag-dinner.”

Kadalasan kasi kapag maghapong nagtatrabaho sina Bisaya at Mother Lily, pagdating ng gabi ay sila na ang magkasamang magka-dinner at nagtsitsikahan about showbiz happenings.

Isa rin si Mother Lily sa madalas magbigay ng pagpapahalaga sa entertainment press.

Basta may announcement siya tungkol sa mga proyekto ng Regal, siguradong magtatawag na ng entertainment press si Mother Lily.

Madalas din niyang sabihin na, “Mahal ko ang mga reporter dahil mahal nila ako. Matindi ang tulong nila sa projects ko!”

Yes, kahit maituturing na isa sa “characters” ng showbiz si Mother Lily, sob­rang mahal siya ng entertainment press.

Kahapon nga kahit sobrang ulan at baha, sinuportahan pa rin ng entertainment press ang presscon ng pelikula niyang “Mina-Anud” na pinagbibidahan ni Dennis Trillo.

‘Cookies’ ni Jen paboritong lantakan ni Trillo

Speaking of Dennis, nakita ko sila ng girlfriend na si Jennylyn Mercado sa Power Plant Mall sa Rockwell noong Thursday night.
Actually, sila ang unang nakakita sa akin.

“Tito Jun,” bati ni Jennylyn na isa sa masasabing sobrang sweet sa entertainment press.

Kasama nila ang anak ni Jennylyn na si AJ.

Sabi ko kay Dennis, “See you tomorrow sa ‘Mina-Anud’ presscon.”
“Yes, Kuya Jun,” sagot naman ni Dennis.

Saglit ko ring nakakuwentuhan si Jennylyn tungkol sa kanyang chunky dough cookies na pagkasarap-sarap ayon sa ilang friends ko.

Sabi ko kay Jennylyn, “Mas masarap pa ang cookies mo sa isang international brand. Ang friends ko, mas gusto pa ang cookies mo.”

“Ay, thank you naman, Tito Jun. Padalhan ko po kayo,” super sweet na sey ni Jennylyn.

Actually, Dondon, excited na ako sa cookies na ipapadala ni Jennylyn dahil nga sa mga kuwento ng friends ko na sobrang sarap no’n.

May mga kilala nga ako na regular na bumibili ng cookies ng actress/TV host.

Marami nga ang nagsasabing sure sila na magi­ging napakalaking brand ng chunky dough coo­kies ni Jennylyn. Paborito ngang lantakan ni Dennis ang cookies ni Jen.
Ang bongga!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *