‘Motel’ ni JC Santos ililibot sa Taiwan, Indonesia

Kabilang ang “Motel Acacia” sa walong pelikula sa Asian Future section para sa up-and-coming directors na may maximum na tatlong feature-length films.

motel ni jc santos ililibot sa taiwan indonesia - ‘Motel’ ni JC Santos ililibot sa Taiwan, Indonesia
jc santos - ‘Motel’ ni JC Santos ililibot sa Taiwan, Indonesia

Kabilang ang “Motel Acacia” sa walong pelikula sa Asian Future section para sa up-and-coming directors na may maximum na tatlong feature-length films.

Ang pelikula ay tungkol sa isang lalaki (JC Santos), na hinarap ang isang demonyo. Namamalagi ang masamang espiritu sa isang motel na ipinasa sa kanya ng tatay niya. Bahagi si Santos ng isang multinational crew at cast kasama ang mga aktor na sina Jan Bijvoet at Nicholas Saputra.

“Sobrang honored bordering nakakaiyak,” sabi ni JC.

“Sobrang proud ako na nakakasali ang pelikulang Pinoy sa film festivals tulad nito. Sana ma-experience ito ng lahat ng aktor sa Pilipinas. Na-validate ulit ‘yung feeling ko na gusto ko talaga itong ginagawa ko,” sabi ni JC.

Higit pa sa isang scarefest ang horror film na “Motel Acacia”, na nagkaroon ng world premiere sa ika-32 na Tokyo International Film Festival sa Japan (TIFFJP) noong Nobyembre 1, Biyernes.

“As the creatures and monsters in Motel Acacia strike terror in our minds, it is the actions of humans that terrify me. This film seeks to understand our own apathy towards man’s cruelty in today’s society,” paliwanag ng director na si Bradley Liew.

Laking-pasasalamat ng award-winning producer na si Bianca Balbuena, na asawa ni Liew, na nabigyan sila ng pagkakataong i-showcase ang pelikula nila sa TIFFJP platform at sa global audience.

“We found a good place to launch ‘Motel Acacia’ here and we hope to get a good response also,” aniya ng 2018 Asian Film Commissions Network (AFCNet) Producer of the Year.

Kilala si Balbuena sa ilan sa mga pelikulang gaya ng “Clash (Engkwentro)” ni Pepe Diokno, “A Lullaby to the Sorrowful Mystery (Hele sa Hiwagang Hapis)” ni Lav Diaz, at “Season of the Devil (Ang Panahon ng Halimaw)”.

Dagdag ni Balbuena, “Yoshihiko Yatabe and Kenji Ishizaka, the head programmers, have been our good supporters. And even if we submitted late, they watched the film with great interest and wrote personal messages to us on how they love the film.”

Pagkatapos sa Japan, ipapalabas ang “Motel Acacia” ngayong Nobyembre sa Taipei Golden Horse Film Festival sa Taiwan. Ito rin ang magiging closing film sa Jogja-NETPAC Asian Film Festival sa Indonesia. (Dondon Sermino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *