Morissette tinupad ang wish ni Will Smith

Ramdam ang sobrang excitement ng tinaguriang “Asia’s Phoenix” sa inihanda nitong sorpresa kay Hollywood star at rapper na si Will Smith.

The post Morissette tinupad ang wish ni Will Smith appeared first on Abante News Online.

morissette tinupad ang wish ni will smith - Morissette tinupad ang wish ni Will Smith
ABANTE morissette - Morissette tinupad ang wish ni Will Smith

by Jun Lopez

Ramdam ang sobrang excitement ng tinaguriang “Asia’s Phoenix” sa inihanda nitong sorpresa kay Hollywood star at rapper na si Will Smith.

Sa video na pinost ng Walt Disney Studios fanpage sa Facebook, binisita ni Morissette sa Tokyo, Japan sina Will Smith, na gumanap na Genie sa “Aladdin”, at beteranong composer na si Alan Menken. Ang Walt Disney mismo ang nag-arrange ng kanilang pagkikita.

Katuwa na kilala siya ng mga ito, maging si Darren Espanto, marahil dahil napanood na nito ang kanilang rendition ng “A Whole New World” na official theme song ng “Aladdin.” Bigo nga lang makarating si Darren.

Eto na nga, hiniritan ni Smith si Morissette. “I know I’m supposed to be the Genie, but you know, can a Genie have a wish? Because, you know, when you have the master and the lovely voice of Morissette here, I mean I would like to make a wish that I hear the two of you perform that song together.”
Napa-oh my gosh na lang si Morissette sa mga papuri at request ni Will Smith, kaya wish granted agad siyempre ang hiling nito.

Nag-duet sila nina Menken ng “A Whole New World,” at napa-wow si Smith sa ganda ng boses ni Morissette.

Ang duet nina Morissette at Darren ng “A Whole New World” ay pumalo na sa 3.16 million views sa YouTube as of this writing.

The post Morissette tinupad ang wish ni Will Smith appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *