Morissette nilampaso ni Katrina Velarde sa biritan

Kung meron mang katapat sa husay at biritan ngayon si Morissette Amon, ‘yun ay si Katrina Velarde. Humahakot ng maraming views sa YouTube ang HS Entertainment page sa ginawa nitong “birit sabong” nina Morissette at Katrina.

The post Morissette nilampaso ni Katrina Velarde sa biritan appeared first on Abante News Online.

morissette nilampaso ni katrina velarde sa biritan - Morissette nilampaso ni Katrina Velarde sa biritan
ABANTE mor kat - Morissette nilampaso ni Katrina Velarde sa biritan

By Rey Pumaloy

Kung meron mang katapat sa husay at biritan ngayon si Morissette Amon, ‘yun ay si Katrina Velarde. Humahakot ng maraming views sa YouTube ang HS Entertainment page sa ginawa nitong “birit sabong” nina Morissette at Katrina.

May titulo itong “MORISSETTE VS. KATRINA I HOLD A BIRIT NOTE CHALLENGE”, pinagsama-sama nito ang mga performances ng dalawa sa magkakapareho nilang mga kanta.

Sa illalim ng frame ay may timer mula sa zero para sukatin kung gaano katagal ma-sustain ng dalawang singers ang haba ng pagbirit nila sa high notes.

Walang tulak kabigin sa husay nina Morissette at Katrina sa mahabaang hiningang-birit nila sa mga songs.

May birit na mas mahaba ang kay Katrina, ganundin naman ang kay Morissette.
Pero kung sa husay, lamang ng ilang puntos si Katrina lalo’t madalas nakaupo pa itong binabanatan ang high notes ng kanta nang walang hinga-hinga sa pagitan ng birit.

Punong-puno ng aliw ang nasabing post lalo’t nagpapakita ito ng husay ng dalawang si­ngers.

The post Morissette nilampaso ni Katrina Velarde sa biritan appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *