Morissette nagwala, inumpog ang ulo sa pader

Sangkatutak na ang sumawsaw sa nangyaring gulo sa ginanap na concert ni Kiel Alo, alaga ni Jobert Sucaldito, sa Music Museum, last Wednesday night. Anyway, para sa ikalilinaw ng lahat, heto nga ang bersiyon ng mismong involved na si Jobert Sucaldito.

morissette nagwala inumpog ang ulo sa pader - Morissette nagwala, inumpog ang ulo sa pader
morisette - Morissette nagwala, inumpog ang ulo sa pader

Sangkatutak na ang sumawsaw sa nangyaring gulo sa ginanap na concert ni Kiel Alo, alaga ni Jobert Sucaldito, sa Music Museum, last Wednesday night. Anyway, para sa ikalilinaw ng lahat, heto nga ang bersiyon ng mismong involved na si Jobert Sucaldito.

“Dami nang naglalabasan tungkol sa ‘di pagkanta ni Ms. Morissette Amon sa birthday concert ng alaga kong si Kiel Alo sa Music Museum last night (Nov. 6, 2019). Medyo nakakagulat at nakaka-shock para sa aming lahat sa production ang mga naglalabasang dahilan. Kaya here I am, masakit man sa loob ko to tell you the real story dahil sobrang mahal ko si Ms. Morissette, pero kailangan kong sabihin ang totoo.

“Yes, nakiusap ako kay anak-anakang David Cosico, ang business manager ni Ms. Morissette Amon na mai-guest ito sa birthday show ng alaga kong si Kiel this Nov. 6 and I thought everything was just fine. Nag-rehearse pa sila without musical director (Tito Butch Miraflor) that afternoon and so on and so forth.

“To cut the story short, some 15 minutes before the 9pm concert, dumating ang imbitado kong si kaibigang Mario Dumaoal ng TV Patrol para i-cover ang show and everything happened so fast. Ininterbyu niya nang sabay sina Morissette and Kiel and they exchanged pleasantries sa short chikahan with Mario.

“Part of the question ni Mario ay ang tungkol sa lovelife niya pero very casual na hindi naman bombarding at sinagot naman niya nang maayos. Then sabi nga ni Mario sana raw ay magkaayos na sila ng family niya and Morissette said na ‘I’m praying po na maayos din ang lahat, in time,’ and basically wala na.

“In short, hindi naman masama ang pagtanong ni Mario Dumaoal – very decent, clean and simple.

“Then nag-start na ang concert namin. Ang portion ni Morissette kasi ay sa dulo – 2 spot numbers and a beautiful duet with Kiel alo na ni-rehearse nga nila that afternoon with our musical director Tito Butch Miraflor.

“Lumapit sa akin si David Cosico at nagri-request na baka raw puwede naming ilagay sa first part si Morissette kasi tatakbo pa siya sa birthday party ng best friend daw nitong si Moira.

“In-explain ko kay David na mahihirapan kaming gawin ito dahil naka-sequence ang program namin. Atsaka, we have to admit na si Morissette ang star guest namin along with our veterans na sina Tito Jun Polistico and Ms. Eva Eugenio. Finally ay naging okay naman.

“A few minutes after, mga 3rd song na ni Kiel ay biglang hinila ako ni David sa labas ng theater at meron daw siyang malaking problema. ‘Hindi kayang kumanta ni Morissette tito. Mugtung-mugto na ang mata sa kaiiyak. She’s so devastated,’ ang sabi ni david sa akin.

“I asked why? ‘She felt so attacked daw sa ambush interview ni Mario Dumaoal sa kaniya,’ aniya pa. I told him that I was there nung ininterbyu ni Mario sina Morissette and Kiel and wala naman akong napansin na mali sa interbyuhang iyon. In short, ang pakiusap ni David ay kailangang umuwi raw ni Morissette dahil sobrang sama ng loob at pakiramdam.

“After a while ay nakita ko si Morissette sa backstage na humahagulgol at inuuntog ang ulo sa dingding. Na-shock ako dahil paulit-ulit niyang inuuntog ang kaniyang ulo. What’s wrong with this girl? Kaloka!

“I asked David kung what’s the best thing to do. I gave him options – kahit isa na lang ang kantahin ni Morissette ‘kako at manghingi na lang ng apology sa audience dahil masama ang pakiramdam niya. David said na hindi raw talaga kaya. Ibabalik na lang daw nila ang ibinigay kong honorarium.

“Sabi ko, it’s not even about the honorarium – ang sa akin lang ‘kako ay we have to save our faces to our audience. May mga bumili ng tickets dahil excited silang mapanood si Morissette sa show with Kiel.

“Nagbigay pa ako another option – kung hindi talaga ‘kako makakanta si Morissette, pumasok na lang siya sa stage and mag-apologize to the audience. Hindi rin daw puwede. ‘Ako na lang aakyat sa stage Tito at mag-a-apologize sa audience Tito,’ David suggested.

“Um-okay pa rin ako kasi wala naman na akong choice pero dapat katabi niya ‘kako si Morissette para makita ng mga tao na dumating nga siya sa Music Museum dahil kung siya (David) lang ang makikita ng tao sa stage ay useless iyon dahil hindi naman siya kilala ng public. Ayoko ‘kakong isipin ng audience and sponsors ko na niloko namin sila – na ginamit ko lang ang name ni Morissette para makabenta. Hindi kami ganoon.

“I advised David na after ng production number ng boys (Kiel, Carlo Mendoza, Kyle Matthew Manalo and LA Santos) ay magbu-voice over ako backstage to introduce David and Morissette para sa kanilang emergency announcement and apologies.

“Si David lang ang lumabas sa stage at nag-apologize. Nakiusap akong ipakita si Morissette sa tao – kahit sa gilid lang ng stage para di sila magalit siyempre sa akin – hayun at nakitang humahangos si Morissette papalabas sa venue sa gilid na galit ang mukha.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *