Morissette hinarana mga fan ni Cadena

Ibang-iba ang feels ngayon ng live ni Morissette Amon. Kitang-kita sa kanyang mga mata na pilit ang kanyang pagngiti dahil maging siya ay labis na nagdadalamhati sa pagkawala ng isa sa mga iconic vlogger na si Lloyd Cadena.

The post Morissette hinarana mga fan ni Cadena first appeared on Abante.

morissette hinarana mga fan ni cadena - Morissette hinarana mga fan ni Cadena
abante morissette - Morissette hinarana mga fan ni Cadena

Ibang-iba ang feels ngayon ng live ni Morissette Amon. Kitang-kita sa kanyang mga mata na pilit ang kanyang pagngiti dahil maging siya ay labis na nagdadalamhati sa pagkawala ng isa sa mga iconic vlogger na si Lloyd Cadena.

Bilang pag-alala sa kabutihan ng nasabing vlogger, naghandog ng Mariah Carey song si Morissette sa mga naiwan na pamilya, kaibigan at fan ni Lloyd.

Inawit niya ang “Butterfly” na isa sa pinakapaboritong kanta ni Lloyd sa lahat ng mga kanta ng idolo niya na si Mariah, at sa pagkanta ni Mori ay tagos talaga sa puso ng mga fan.

Kung mababasa pa ang mga comment ay hindi pa raw napigilan ng iba maging emosyonal sa pag-awit ni Morissette. (Athena Yap)

The post Morissette hinarana mga fan ni Cadena first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *