Mo’Nique bad trip kay Oprah

Hindi pa rin nakaka-move on ang Oscar-winning actress na si Mo’Nique sa sama ng loob niya sa Queen of Talk na si Oprah Winfrey. Naghihintay pa rin daw kasi si Mo’Nique ng apology mula kay Oprah dahil sa ginawa nitong panlilinlang daw sa kanya noong imbitahan nito sa kanyang show ang kanyang brother na minolestiya siya noong bata pa lang siya.

monique bad trip kay oprah - Mo’Nique bad trip kay Oprah
ABANTE Monique - Mo’Nique bad trip kay Oprah

Hindi pa rin nakaka-move on ang Oscar-winning actress na si Mo’Nique sa sama ng loob niya sa Queen of Talk na si Oprah Winfrey. Naghihintay pa rin daw kasi si Mo’Nique ng apology mula kay Oprah dahil sa ginawa nitong panlilinlang daw sa kanya noong imbitahan nito sa kanyang show ang kanyang brother na minolestiya siya noong bata pa lang siya.

Ayon sa aktres, nakiusap daw ito kay Oprah na huwag nang ituloy ang plano niyang gawing guest ang kanyang kapatid dahil baka raw muling mabuksan ang mga naging hinanakit niya noong bata pa lang siya. Nasa magandang lugar na raw siya at ayaw niyang masira ito.

Pero nagulat na lang daw siya nang pino-promo na sa TV ang pag-guest ng kapatid niya sa show ni Oprah. Ang masama pa raw, kasama pa ang kanyang ama at ina sa show na lalong nagpasama ng loob niya.

“We didn’t discuss that, Oprah… I’m watching my father sit there, who was a strong alcoholic. I’m watching him drunk. I’m watching my mother be greedy.

I’m watching my other brother, who was my manager, be greedy… I’m watching the scam. I want you to understand something, see this is why me and Oprah Winfrey got a problem… until that woman says let me apologize to you publicly, it’ll be ’til the day that I leave this Earth, because what you did was malicious.

“I would say Oprah Winfrey: You know what you need to do. And stop hiding behind what you call is negative comments…what people are beginning to do is see you for who you are,” galit na pagtukoy niya kay Oprah. (Ruel Mendoza)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *