Mona Lisa unang aktres na nagpaseksi sa pelikula

Mona Lisa unang aktres na nagpaseksi sa pelikula

Muling nagluksa ang Philippine entertainment industry dahil sa pagpanaw ng veteran actress na si Mona Lisa. Pumanaw si Mona Lisa nitong Linggo (August 25) sa edad na 97.

mona lisa unang aktres na nagpaseksi sa pelikula - Mona Lisa unang aktres na nagpaseksi sa pelikula
mona lisa - Mona Lisa unang aktres na nagpaseksi sa pelikula

TANAW BALIK:

Muling nagluksa ang Philippine entertainment industry dahil sa pagpanaw ng veteran actress na si Mona Lisa. Pumanaw si Mona Lisa nitong Linggo (August 25) sa edad na 97.

Ayon sa anak nitong si Vangie Bocobo, hindi na raw nagising ang kanilang ina sa pagkakatulog nito sa kanilang tahanan.

Born Gloria ­Consorcia Lerma ­Yatco in Tondo, ­Manila on June 22, 1922, ­tumira si Mona Lisa sa ­Amerika habang lumalaki­ ito kasama ang kanyang pamilya.
Nag-aral ng acting sa Amerika si Mona Lisa hanggang sa pag-uwi­ nila ng Pilipinas nu’ng 1938.

Gamit ang panga­lang Fleur De Lis, luma­bas si Mona Lisa sa isang bit role sa pelikulang “Ang Pagbabalik.” Nasundan ito ng “Bago Lumubog ang
Araw,” “Walang Pangalan,” “Sanggumay”, “Mga Sugat ng Puso” at “Giliw Ko.”

Si Mona Lisa rin ang kauna-unahang aktres na nagsuot ng bathing suit sa isang pelikula. Noong 1940, dahil sa producer na si Eduardo de Castro ng X’Otic Films, pinalitan ang gamit niyang screen name na Fleur de Lis at ginawa na itong “Mona Lisa”.

Ginawa siyang bida sa pelikulang “Tinangag Ng Apoy” at “Prinsesa ­Urduja” kunsaan naging ­leading man niya si Fernando Poe, Sr.

Nu’ng 1952, maagang nagretiro sa paggawa ng pelikula si Mona Lisa dahil pinili niya ang mag-asawa at magkaroon ng pamilya. Ang mga huling pelikulang ginawa niya ay “Bisig ng Batas”, “Maria Kapra”, ­“Matimtiman,” “Ulila ng Bataan”, “Hanggang Langit,” “Sunset Boulevard­,” “Sagur” at “Buhay Alamang.”

After 22 years ay ni-revive ni Direk Joey Gosiengfiao ang acting career ni Mona Lisa sa pelikulang “La Paloma: Ang Kalapating Ligaw” in 1974.

Naging aktibo ulit si Mona Lisa sa paggawa ng mga pelikula at si Direk Lino Brocka ang nagbigay sa kanya ng award-winning role sa pelikulang “Insiang” in 1976 bilang ina ni Hilda Koronel. Nanalo rito si Mona Lisa ng best supporting actress awards sa FAMAS at Gawad Urian.

Ginawa rin ni Mona Lisa ang mga ­pelikulang “Itim,” “Bayan Ko: Kapit sa Patalim,” “Cain at Abel,” “Atsay,” “Tanikala,” “Mananayaw,”  “Isang Gabi… Tatlong Babae”, “Pagputi Ng Uwak, Pag-Itim Ng Tagak,” “Araw-Araw, Gabi-Gabi,” “Oro, Plata, Mata,” “Minsan Pa Nating Hagkan Ang Nakaraan,” “Soltero”, “Napakasakit, Kuya ­Eddie,” “Paano Kung Wala Ka Na,” “Babangon Ako’t Dudurugin Kita”, “Huwag Mong ­Salingin Ang Sugat Ko,” “­Umiyak Pati Langit,” “Chop-Chop Lady: The Elsa Castillo Story” at “Mother Ignacia: Ang Uliran.”

Nagkaroon kami ng pagkakataong maka­panayam si Mona Lisa noong 2005 dahil­ tumanggap siya ng Gawad Lino Brocka Lifetime ­Achievement Award mula sa 2nd Golden Screen Awards.

Nakatira si Mona Lisa sa bahay ng kanyang anak sa BF Homes, Paranaque at wala raw siyang ­regrets sa ­pagreretiro ulit sa showbiz. ­Hindi naman daw siya nababagot dahil ­enjoy siya na nagtuturo ng English sa Korean ­students.
Masaya raw siya sa kanyang naging buhay bilang artista, pero naging kasiyahan daw niya ang makatulong sa ibang tao.

Noong 2013, ang life story ni Mona Lisa ay nilagay sa isang libro titled “Mona Lisa: A Portrait (From the Memoirs of a ­Grandmother).” (Ruel Mendoza)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *