Mommy Inday, Marj bonding sa panonood kina Claudia, Julia sa TV

Ay, siguradong gulong-gulo na naman ang isip ng mga fan, lalo na ‘yung abang nang abang sa mga Instagram story, post ng mga Barretto, ha!

mommy inday marj bonding sa panonood kina claudia julia sa tv - Mommy Inday, Marj bonding sa panonood kina Claudia, Julia sa TV
marj barretto - Mommy Inday, Marj bonding sa panonood kina Claudia, Julia sa TV

Ano ba talaga???

Ay, siguradong gulong-gulo na naman ang isip ng mga fan, lalo na ‘yung abang nang abang sa mga Instagram story, post ng mga Barretto, ha!

Matapos ngang ilabas ni Claudine Barretto ang tungkol sa ‘Super drama to death si ano, Inday’ at ‘baka masapak ko’ na video sa Instagram niya, makikita naman sa IG story ng anak ni Marjorie na si Dani Barretto ang pasasama-sama nina Marjorie at Mommy Inday sa isang bahay.

Makikita sa video si Marjorie na karga-karga ang anak ni Dani, na pinapadede nga niya ang baby (sa bote) habang nakatayo. At katabi naman ni Marjorie si Mommy Inday na nakaupo naman.

Yes, bagong-bago ang video na ‘yon, at hindi ‘yon mga lumang video, o mga kuha pa nu’ng katatapos lang ng cremation ni Mr. Miguel Barretto. Kitang-kita naman kasi na sabay-sabay, sama-sama silang nanonood ng guesting nina Julia at Claudia Barretto sa “ASAP Natin ‘To”, ha kahapon!

May eksena pa na tiningnan ni Marjorie si Mommy Inday na naka-smile. Tahimik lang naman na nakaupo si Mommy Inday na may hawak na baso ng tubig.

“I love you guys!” maririnig na boses pa ni Marjorie, kasunod ang pagsabay sa kanta na “Stand By Me”.

So, ano ba talaga? Gulo-gulo, ‘di ba?

Well, 82 years old na nga si Mommy Inday, at sigurado naman ako na wala na siyang time sa mga Instagram stories, o dedma na siya sa mga sinasabi ng ibang tao.

Pero sa video na ‘yon ni Dani, isa lang ang gusto nilang sabihin, na normal, masaya pa rin ang takbo ng buhay nila, na magkakasama. Bukod kasi kina Marjorie, Mommy Inday, marami pa silang mga bata na kasama, at isang lalaki (hindi ako sure kung si JJ Barretto).

So, again, ano ba talaga? Hahahahaha!

Well… (Dondon Sermino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *