Mommy Dionisia inaabangan sa Las Vegas

Alam mo, Dondon, nakasabay ko si Mommy Dionisia Pacquiao sa flight pa Los Angeles, California noong Wednesday night.

The post Mommy Dionisia inaabangan sa Las Vegas appeared first on Abante News Online.

mommy dionisia inaabangan sa las vegas - Mommy Dionisia inaabangan sa Las Vegas
ABANTE ommy d - Mommy Dionisia inaabangan sa Las Vegas

abante anything goes jun lalin 336x224 - Mommy Dionisia inaabangan sa Las VegasAlam mo, Dondon, nakasabay ko si Mommy Dionisia Pacquiao sa flight pa Los Angeles, California noong Wednesday night.

Magko-cover nga ako for Abante ng sidelights ng boxing fight ng ating Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao versus Keith Thurman sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, Nevada on July 20.

Siyempre, si Mommy Dionisia ay tiyak na p­upuntahan si Manny na nagte-training nga-yon sa LA. Kung sa ibang mga fight ni Manny ay wala si Mommy Dionisia, nangangahulugan bang manonood siya sa July 20?

Nakakaalis si Mommy Dionisia kapag nasa boxing fight ng anak dahil ang mga nanonood, hindi lang kay Manny at sa kalaban niya nakatutok dahil pati sa nanay ng ating Pambansang Kamao ay tutok din sila at naaaliw sa bawat reaction ni Mommy D kung ano ang nangyayari sa anak sa boxing ring!

Maraming celebrities at politicians na nakatakdang pumunta sa Las Vegas, pero ang karamihan sa kanila ay baka few days before the fight na darating doon.

Gary, Randy, Dingdong, Ogie magpapatayo ng ospital

Sayang at nakapag-commit na ang PBA player na si Jeron Teng sa isang wedding tomorrow, gusto kasi sana niyang manood ng “Green & Go” concert ng La Salle Greenhills High School graduates na sina Ogie Alcasid, Dingdong Avanzado, Randy Santiago at Gary Valenciano.

Alam ni Jeron na isang fundraiser para sa isang itatayong hospital ang “Green & Go” concert sa Filoil Flying V Centre sa San Juan, kaya gusto niyang mag-support.

Sabi ko nga kay Jeron, i-post na lang niya ‘yon sa kanyang Instagram account para makatulong siya sa promotions.

Anyway, sina Ogie, Dingdong, Randy at Gary ay very happy dahil napakaraming nagpo-promote sa “Green & Go.”

Ang balita ko nga, maraming mga nag-graduate sa La Salle ang hindi lang basta bumibili ng tickets dahil nagpe-pledge pa sila ng donation, huh!
Sa mga gustong makatulong, puwede kayong bumili ng tickets sa ticketnet.com.ph at tiyak na malaking bagay ‘yon para mabuo nila ang isang bilyong gusto nilang ma-achieve para sa charity hospital na kanilang itatayo!

Oo nga pala, after ng concert, may sayawan rin doon dahil tutugtog naman ang Route 70.

Lloydie ‘di na mukhang artista

Nakasabay ng isang kaibigan ko sa isang grocery sa Cebu si John Lloyd Cruz.

Katulad ng ibang mga kuwento, hindi niya namukhaan kaagad ang semi-retired actor.

“Nakita ko na lumapit ‘yung guy sa isang girl na obvious na si Ellen Adarna, kaya ko lang na-confirm na si John Lloyd ang lalaking ‘yon,” sey ng friend ko.
Well…

The post Mommy Dionisia inaabangan sa Las Vegas appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *