Moira talunan gaya ni Zephanie

Naka-relate si Moira Dela Torre sa pagkakapanalo ng kauna-unahang winner ng “Idol Philippines” na si Zephanie Dimaranan.

moira talunan gaya ni zephanie - Moira talunan gaya ni Zephanie
Abante moira - Moira talunan gaya ni Zephanie

tonite oh laban ka rey pumaloy 336x224 - Moira talunan gaya ni ZephanieNaka-relate si Moira Dela Torre sa pagkakapanalo ng kauna-unahang winner ng “Idol Philippines” na si Zephanie Dimaranan.

Sa post ni Moira sa kanyang Instagram wall ng mga larawan ni Zephanie habang kumakanta at hawak nito ang kanyang Idol trophy at photo opportunity rin nilang mga judge sa contest, sinabi ng award-winning recording artist na halos pareho sila ng pinagdaanan ng dalagitang singer mula sa Laguna.

Ayon kay Moira, talunan si Zephanie sa pagsali nito sa ‘Tawag ng Tanghalan’ sa “It’s Showtime” at gaya niya ay laglag din ang huli sa “The Voice”.

Pero ngayon, pareho silang binigyan ng puwesto sa Idol, bilang si Moira ay isa sa mga judge kasama sina Regine Velasquez, Vice Ganda at James Reid, at si Zephanie naman ang grand champion.

“A testimony that proves there is perfect time and place for all of us. That when God closes a door, we can trust he is preparing something that’s only for you. And last Sunday, you made history.”

Bagama’t deserving sa kanyang trono si Zephanie, marami ang nam-bash sa dalaga, lalo na roon sa mga fan ng mga tinalo niya.

Sumaklolo at nagtanggol si Moira para kay Zephanie at sinabi na huwag masyadong malupit sa bagong sibol na singer, bagkus bigyan ito ng pagkakataon sa pangarap nitong magkaroon ng pangalan sa industry at matulungan ang kanyang pamilya.

Walang maanghang na salitang pinakawalan si Moira sa kanyang post pero binura na niya ito matapos i-express ang depensa niya para kay Zephanie.
Erich, Kris super lamyerda sa Japan Kung dati ay tatlo lang silang mag-ina (Joshua, Bimby at Kris Aquino) sa pamamasyal sa Japan, nitong nakaraang mga araw, sa muling bakasyon nila ay karay-karay na nila ang isa sa mga paborito nilang Kapamilya actress, si Erich Gonzales.

Nakabalandra sa Instagram wall ni Kris ang video at mga larawan nilang mag-iina, kasama si Erich.

Sa caption, binanggit niyang “Adopted Panganay” niya si Erich. Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na bukod kay Erich, malapit din ang loob ni Kris kay Kim Chiu.

Itinuring ni Kris na pamilya si Erich sa hashtag na #family.

Angel nag-‘set bwisit’ kay Dimples

Sumakay sa International Day of Friendship sina Angel Locsin at Dimples Romano. Nag-post si Dimples ng mga larawan nila ni Angel na kuha sa taping ng una, ang “Kadenang Ginto”.

Sa caption ng mga photo, sinabi ni Dimples na pinuntahan siya mismo ni Angel sa kanyang taping para iparamdam dito ang pagkakaibigan nilang dalawa, sa araw ng International Day of Friendship.

“BEST, thank you for visiting me sa taping mars at pakikipagkuwentuhan, at kahit maaga ka pa din sa trabaho mamaya. Happy International Day of Friendship. Mahal na mahal kita @therealangellocsin. Ikaw din @neil_arce mahal kita! Salamat super wait ka Labyu both,” sabi ni Dimples.

Nag-post din si Angel ng mga kaparehong photo sa kanyang wall.

“Set ‘bwisit’ kasi happy international Friendship Day. Got your back, mars. Always,” say naman ni Angel.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *