Moira hinarana ang basher

Hindi pinalampas ng OPM singer na si Moira Dela Torre ang fan na nagbabanta sa kanya sa Instagram. Cool na sumagot ang singer at hindi nga ito nagpadala sa emos-yon niya, bagkus ay kinantahan pa nga niya ang kanyang basher.

moira hinarana ang basher - Moira hinarana ang basher
moira 2 - Moira hinarana ang basher

Hindi pinalampas ng OPM singer na si Moira Dela Torre ang fan na nagbabanta sa kanya sa Instagram. Cool na sumagot ang singer at hindi nga ito nagpadala sa emos-yon niya, bagkus ay kinantahan pa nga niya ang kanyang basher.

“Ikaw ang dahilan kaya marami nang ayaw sa OPM. Tumigil ka na parang awa mo na! Tumigil ka na parang awa mo na! Puro papansin ang alam mo.”

“Huy!”

“Sana kunin ka ni Lord.”

“T@n9*n4 ka ayaw mo pang tumigil!”

“Hintayin mo lang magtatagpo din tayo.”

‘Yan nga ang sunod-sunod na direct message ng basher kay Moira sa IG.

Hindi naman nagpadala rito si Moira, si-nagot ang mensahe nito in a si-nging manner rin.

“Wag kang mag-alala… ‘Di ko pinipilit sa’yo… Kahit na lilipad… Ang isip ko’y… Torete sa’ yoooo~” sunod-sunod rin na sagot ni Moira sa basher.

Ibinahagi pa ng singer sa kanyang Twitter ang screenshot ng usapan nila ng kanyang basher, kalakip pa ang caption na “Minsan talaga kakantahan mo na lang sila.”

Dito na rumesbak ang mga fan para sa kanilang idolo at sinabing hahantingin nila ang basher na iyon.

Bumilib rin ang mga netizen kung paano i-handle ng singer ang mga basher na katulad nu’n, natawa pa nga ang iba.

(Athena Yap)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *