Mister na si Yan naaksidente: Yeng nairita sa mga ospital sa Siargao

Marami ang nag-alala sa pinost ni Yeng Cons­tantino sa Instagram tungkol sa aksidente ng kanyang asawang si Yan sa Siargao. Inakala ni Yeng na tuluyan na ngang magkakaroon ng amnesia ang kanyang mister.

The post Mister na si Yan naaksidente: Yeng nairita sa mga ospital sa Siargao appeared first on Abante News Online.

mister na si yan naaksidente yeng nairita sa mga ospital sa siargao - Mister na si Yan naaksidente: Yeng nairita sa mga ospital sa Siargao
abante Yeng Cons­tantino - Mister na si Yan naaksidente: Yeng nairita sa mga ospital sa Siargao

tonite oh laban ka rey pumaloy 336x224 - Mister na si Yan naaksidente: Yeng nairita sa mga ospital sa SiargaoMarami ang nag-alala sa pinost ni Yeng Cons­tantino sa Instagram tungkol sa aksidente ng kanyang asawang si Yan sa Siargao. Inakala ni Yeng na tuluyan na ngang magkakaroon ng amnesia ang kanyang mister.

Base sa kuwento ni Yeng, nagkaroon ng malakas na impact sa kanyang asawa ang diving nito sa Sugba Lagoon na dahilan para magkaroon ito ng memory loss.

Maraming mga hindi maalala si Yan, gaya nang kung nasaan sila, at kung anong taon na ngayon.

Sinakmal ng takot ang mang-aawit sa pag-aalalang may malalang nangyari kay Yan.

Pero sa ngayon, bumalik na raw sa normal si Yan at wala namang damage sa utak nito.

Pero bagama’t kalmado na si Yeng, idinaan niya sa IG ang pagkadismaya sa kakulangan ng equipment sa unang ospital na pinagdalhan nila sa asawa niya at sa mabagal na proseso ng medical assistance sa sumunod na ospital na pinuntahan nila.

Sumuporta si Billy Crawford at iba pang follower ni Yeng sa panawagan sa mga kinauukulan na silipin ang ospital sa lugar na ‘yon.

***
BB Gandanghari mukhang bangkay

Kung ano-ano ang itinatawag ng netizen kay BB Gandanghari nu’ng i-post niya ang larawan niya sa Instagram na naka-sando siya, maong pants at walang makeup, na nagpapakita na wala siyang kilay.

“Sobrang Payat”, “Bangkay”, “May TB”, ang ilan lang sa mga comment ng mga follower sa transgender actor.

Hindi man lantad ang mga braso ni BB pero nakasilip naman ang kanyang balikat at katawan sa photo. Maliwanag na makikita ang “slim figure” ni BB, dahilan para tawagin ito sa kung ano-anong salita ng kanyang follower.

Hindi yata alam ng mga nagku-comment na may modeling career si BB sa US (Los Angeles) at isa rin siyang aspiring transgender actor.

Para makuha sa mga fashion­ show, brand photo shoot, at iba pang modeling­ project,­ kinakailangang i-maintain ni BB ang isang ideal weight at body size, kaya siya payat.

May mga bumalanse naman sa pamimintas ng iba. Ang ibang mga fan ay pinuri ang model body frame nito at sinabing maganda ito.

***
Yassi, Martin magkasosyo sa negosyo?

Dumagdag na si Yassi Pressman sa ilang mga celebrity na nag-venture sa business. Pinost ni Yassi ang ilang larawan na kuha sa ipinapagawa niyang resto-bar sa Siargao Island, na papa­ngalanan niyang Zicatela.

May kuha si Yassi na nakaupo sa mga bag ng semento, sa loob ng bar kasama ang ilang mga foreigner at construction worker. Ipinasilip din ni Yassi ang ilang bahagi sa labas ng resto na parang ins­pired sa Mexico.

Hindi na kataka-taka kung magiging madalas si Yassi sa Siargao dahil sa itinayong business niya. Malaki ang posibilidad na bisitahin ni Coco Martin ang establishment na ito ni Yassi, bilang mag-asawa sila sa teleserye. Pero teka, baka naman magkasosyo sila, ha!

The post Mister na si Yan naaksidente: Yeng nairita sa mga ospital sa Siargao appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *