Miss USA Olivia na-rape, Pia na-shock

Nagulat si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa naging revelation ng kanyang kaibigan at ka-batch sa Miss Universe na si Miss USA Olivia Jordan na na-experience nito na mamolestiya at ma-rape noong teenager pa ito.

The post Miss USA Olivia na-rape, Pia na-shock appeared first on Abante News Online.

miss usa olivia na rape pia na shock - Miss USA Olivia na-rape, Pia na-shock
Olivia Jordan - Miss USA Olivia na-rape, Pia na-shock

Nagulat si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa naging revelation ng kanyang kaibigan at ka-batch sa Miss Universe na si Miss USA Olivia Jordan na na-experience nito na mamolestiya at ma-rape noong teenager pa ito.

Halos isang taon na naging roommates sa New York sina Pia at Olivia, pero wala raw itong naikuwento sa kanya tungkol sa pagiging rape victim nito.

“I had no idea. She never really spoke about it, during her whole pageant life. ‘Di niya ever, ever shinare ‘yan, so kaya talagang naka­kagulat,” sey ni Pia.

Ni-reveal ni Olivia ang kanyang pagiging rape victim via social media dahil sa naging issue on abortion ban sa state of Alabama. Bukod kay Olivia, maraming babae, ang iba ay mga celebrities, ang nag-share ng kanilang experience na ma-rape at nilagyan nila ito ng hashtag na #YouKnowMe. Ginawa nila ito bilang protesta sa pag-ban ng ilang states sa US sa abortion.

Hindi naman makapag-comment si Pia tungkol sa abortion ban issue sa US.

“Well, you know that it’s something that’s going on the States. And I’m not real­ly a 100% sure with the laws there and this issue is in the state of Alabama,” sey lang niya.

Pero na-realize ni Pia na ang rape ay puwedeng mangyari kahit kanino, kahit na sa taong inakala mo na maingat at perpektong tingnan.

“You kinda realize na it can happen to anyone. It can happen to anybody.

“Someone like Olivia, who I thought grew up perfect, meron palang pinagdadaanan ‘yung tao.

“Like, you could be facing the most popular celebrity, pero ‘yun pala meron pala siyang pinagdaanan. So, it really shows that it can happen to anyone.” (Ruel Mendoza)

The post Miss USA Olivia na-rape, Pia na-shock appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *