Miss U Colombia nag-sorry kay Catriona

Humingi ng tawad ang pangulo at national director ng Miss Universe Colombia kay Catriona Gray dahil sa pagpapakilala sa huli sa kanilang pageant.

The post Miss U Colombia nag-sorry kay Catriona first appeared on Abante.

miss u colombia nag sorry kay catriona - Miss U Colombia nag-sorry kay Catriona
Catriona Gray 3 - Miss U Colombia nag-sorry kay Catriona

Humingi ng tawad ang pangulo at national director ng Miss Universe Colombia kay Catriona Gray dahil sa pagpapakilala sa huli sa kanilang pageant.

Sinabi kasi ng host na si Catriona, na nag-judge sa nasabing contest, ay “Australian by birth pero nirepresenta ang Pilipinas (sa Miss Universe 2018) matapos manirahan nang ilang taon doon.”

Bukod dito, “Garay” ang nalagay na apelyido ng beauty queen habang ineere sa telebisyon ang Miss Universe Colombia, imbes na “Gray.”

Sa pahayag ni Natalie Ackerman, na pinost sa Instagram story ng Miss U Colombia, kinilala nila ang pagkakamali sa spelling na dahil umano sa “some language barrier.”

Binanggit din nila na hindi nila intensiyong magpokus lang sa dugong Australian ni Queen Cat.

“The translated language that was sent for introduction is, ‘Born in Australia, from the Philippines who is Miss Universe 2018.’ It is honestly part of the cultural differences as here in Colombia, we regard the value of unity and cross-cultural importance,” ayon pa kay Ackerman.

Wala aniyang nilalayon na masamang hangarin sa mga nagawa nilang pagkakamali.

“We invited Catriona in the first place because we believe in Filipinos and having a personal Dubai-based Filipino friend who is like a brother to me. I have always admired the Filipino culture and kindness of the people from the Philippines,” sambit pa ng national director.

Matapos ang timpalak, nilagay ni Catriona sa kanyang IG story ang kanyang larawan kalakip ang katagang “Filipina.”

Nag-post din siya ng hiwalay na picture na may caption na, “This Filipina has landed.” (SDC)

The post Miss U Colombia nag-sorry kay Catriona first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *