Miss Int’l crown ni Aurora Pijuan binebenta na

Pinapa-auction na ni Miss International 1970 Aurora Pijuan ang binigay sa kanyang mini-tiara na gawa ng Tokyo-based jewelry company na Mikimoto.

The post Miss Int’l crown ni Aurora Pijuan binebenta na appeared first on Abante News Online.

miss intl crown ni aurora pijuan binebenta na - Miss Int’l crown ni Aurora Pijuan binebenta na
ABANTE crown - Miss Int’l crown ni Aurora Pijuan binebenta na

Idu-donate sa mga mangingisda:

Pinapa-auction na ni Miss International 1970 Aurora Pijuan ang binigay sa kanyang mini-tiara na gawa ng Tokyo-based jewelry company na Mikimoto.

The mini pearl tiara celebrates “love, peace and beauty,” the motto of the Japan-based annual ce-lebration that’s among the oldest and best-loved of international beauty contests in the world.

Niregalo ng Mikimoto ang naturang tiara, na smaller version ng Miss International crown, kasama ang iconic pearl-encrusted gold crown kay Aurora noong mapanalunan nito ang Miss International title noong 1970 sa Osaka, Japan. Si Aurora ang second Miss International ng Pilipinas. Unang nanalo ay si Gemma Cruz noong 1964.

Ayon sa former beauty queen, ilang taon na raw nakatago sa attic ng kanyang bahay ang tiara at hindi niya alam kung ano ang gagawin rito.

Ngayon ay nakahanap na siya ng purpose para sa naturang tiara. Ipinapa-auction ito ni Aurora sa Leon Gallery’s online simula July 20 hanggang 21. Magsisimula raw ang bidding para sa tiara sa halagang P60,000.

Ang magbe-benefit daw sa pag-auction ng tiara ay mapupunta sa 22 Pinoy fishermen na nawalan ng fishing boat dahil sa pagbangga sa kanila ng isang Chinese vessel noong nakaraang buwan.

“It was in my attic. It was not even on display. I’m going to give the proceeds to them in the hopes that this gift to me, really, a gift to our nation when I won the title in 1970, will have real value and significance today,” sey pa ni Aurora.

Umaasa si Aurora na umabot sa bid na P500,000 ang tiara para ma-match daw ang binigay na donation ni former Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario sa mga apektadong fishermen.

“Albert del Rosario gave P500,000 and it didn’t hurt his pocket. I hope to get a similar amount, and it won’t hurt my pocket either because it was never in my pocket,” ngiti pa ni Aurora.

A preview of the tiara, as well as the other items up for auction, will be at the León Galleries at the W14 La Fuerza Plaza and Eurovilla 1 in Makati City.

Bidding is through León’s online platform, www.leonexchange.com. (Ruel Mendoza)

The post Miss Int’l crown ni Aurora Pijuan binebenta na appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *