Misis ni Patrick delikado pagbubuntis

Madadagdagan na naman ang anak ni Patrick Garcia dahil buntis for the fourth time ang kanyang misis na si Nikka Martinez. Ni-reveal nila ang good news sa kanilang YouTube channel last January 8.

The post Misis ni Patrick delikado pagbubuntis first appeared on Abante.

misis ni patrick delikado pagbubuntis - Misis ni Patrick delikado pagbubuntis
abante patrick garcia - Misis ni Patrick delikado pagbubuntis

Madadagdagan na naman ang anak ni Patrick Garcia dahil buntis for the fourth time ang kanyang misis na si Nikka Martinez. Ni-reveal nila ang good news sa kanilang YouTube channel last January 8.

“Yes, we are pregnant with baby number four,” sey nila Patrick at Nikka.

Dagdag pa ni Nikka na itong latest pregnancy niya ang “most challenging among her pregnancies” dahil sa morning sickness at paglilihi niya.

Sinabihan din siya ng doktor na high-risk ang pagbubuntis niya ngayon.

“I’m a little bit challenged but I know as I go further into my pregnancy, it will get better. The doctor advised me to stay at home because there is still a pandemic going on so just to be safe and to make sure that the baby is okay.”

Bago raw nalaman ni Nikka na buntis siya, nakapagbakasyon pa raw silang pamilya sa Boracay.

“Buti na lang hindi pa ganoon ka-grabe ‘yung feeling ko in Boracay. Medyo, na-enjoy ko pa naman siya but the minute we got back home, nag-start na talaga ‘yung nausea, ‘yung whole day sickness, vomiting, and anything else,” sey ni Nikka.

Tatlo ang anak na babae nila Patrick at Nikka: Michelle Celeste (7), Nicole Patrice (4), and Francisca Pia (2).

May anak din si Patrick kay Jennylyn Mercado na si Alex Jazz na 12-years old na ngayon.

Nakuwento noon ni Jen na magkaibigan sila ni Nikka at madalas nakakasama ni Alex ang mga kapatid niya on special occasions. (Ruel Mendoza)

The post Misis ni Patrick delikado pagbubuntis first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *