‘Minnie Mouse’ pumanaw sa edad na 75

Pumanaw na sa edad na 75 si Russi Taylor sa siyang original na boses sa likod ng paboritong karakter ng mga Disney fan na si Minnie Mouse.

minnie mouse pumanaw sa edad na 75 - ‘Minnie Mouse’ pumanaw sa edad na 75
abante Russi Taylor - ‘Minnie Mouse’ pumanaw sa edad na 75

Pumanaw na sa edad na 75 si Russi Taylor sa siyang original na boses sa likod ng paboritong karakter ng mga Disney fan na si Minnie Mouse.

Sa opisyal na Instagram account ng Disney, ibinahagi nito ang pagluluksa sa pagpanaw ng isa sa mga boses na naging malaking bahagi sa buhay ng mga fan ng Disney.

“Minnie Mouse lost her voice with the passing of Russi Taylor. For more than 30 years, Minnie and Russi worked together to entertain millions of around the world–a partnership that made Minnie a global icon and Russi a Disney Legend beloved by fans everywhere.” quote ng Disney mula kay Bob Iger na pangulo ng kumpanya ng Walt Disney.

Pumanaw si Taylor sa Glendale, California ngunit hindi na idinetalye ng kumpanya kung ano man ang naging sanhi ng pagkamatay nito.

Mula sa 200 candidates noong 1986 audition, si Taylor nga ang napili ng Disney para maging boses ng iconic character na si Minnie Mouse.

Sa tunay na buhay, si Mickey Mouse rin ni Minnie ang pinakasalan niya! Si Wayne Allwine naman ang boses sa likod ni M­ickey Mouse.

1991 nang ikasal ang dalawa bilang “Russi” at “Wayne,” hindi bilang “Minnie” at “Mickey.”

Pero 2009 naman nang pumanaw si Wayne na siyang boses nga sa likod ni Mickey.

Anyway, bukod kay Minnie Mouse, ginampanan din ni Russi ang mga boses sa likod ni “Strawberry Shortcake” at “Pebbles Flinnstone.”

Sa dekada na kanyang pagiging boses sa likod ng kamera, naging bahagi rin siya ng “The Mary Tyler Moore Show” at “The Simpsons.” (Athena Yap)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *