Mimiyuuuh patok sa YouTube

Started from the bottom, now she’s (?) here! Sinong mag-aakala na magniningning ang dating simpleng netizen na nag-viral dahil sa isang simpleng “Dalagang Filipina” challenge?

mimiyuuuh patok sa youtube - Mimiyuuuh patok sa YouTube
mimiyuh - Mimiyuuuh patok sa YouTube

Started from the bottom, now she’s (?) here! Sinong mag-aakala na magniningning ang dating simpleng netizen na nag-viral dahil sa isang simpleng “Dalagang Filipina” challenge?

Ngayon ay internet sensation na si Jeremy Sancebuche o mas kilala bilang “Mimiyuuuh” o “LOcq4l j3j3 gHuÖrl”. Hindi inakala ng 22-year-old vlogger na magbabago ang kanyang buhay sa pag-viral lamang ng kanyang “Dalagang Filipina Challenge.”

Ayan na nga at umaariba na ang kanyang karera bilang vlogger na pa-showbiz na rin ngayon dahil sa dami ng kanyang nakakasalamuhang mga showbiz personality gaya nina Heart Evangelista at ilan sa mga Kapamilya star na dumalo sa Star Magic Ball 2019.

Hindi lang ‘yan, ha! Naging “Trending Of The Year” sa “E! Pop Gala Award” siya kamakailan. Kung makikita rin ang kanyang ibinahaging post bilang pasasalamat ay talagang mapi-feel din talaga ang vibes nito sa paraan ng kanyang pagta-type ng caption, dahilan para mas magmarka siya sa mga fan.

“AAAYYYYEEEEEEE!!! Thank you po @e_philippines for awarding me this award. HUWAW! Thank you rin po talaga sa mga nanunuod at patuloy na sumusuporta po sa akin. Huhu! To my miminizationisms, I love you guys! Keep on spreading positivity and good vibes. WE DID IT!! S K R T OoOoOh YeEeAaAh!!!” hype sey ni Mimi.

Masayang-masaya naman ang mga fan para sa kanilang favorite vlogger at sinabing karapat-dapat naman talagang mabigyan ng recognition ang mga makukulit at positive vibes na hatid nito sa social media.

Siyempre nga naman, sa araw-araw na stress sa paligid ng bansa, tila essential na manuod ngayon sa mga netizen para pagaanin ang kanilang pakiramdam, at isa nga sa pinaka-mabentang vlog ay itong kay Mimiyuuuh.

Palobo na rin nang palobo ang mga follower ni Mimi sa Instagram na ngayon ay 383K na. (Athena Yap)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *