Miley Cyrus tinanggi ang hiwalayan kay Liam Hemsworth

Humakot ng napakaraming a­tensyon at reak­syon ang rumor na hiwalay na raw ang mag-asawang Hollywood star na sina Liam Hemsworth at Miley Cyrus.

The post Miley Cyrus tinanggi ang hiwalayan kay Liam Hemsworth appeared first on Abante News Online.

miley cyrus tinanggi ang hiwalayan kay liam hemsworth - Miley Cyrus tinanggi ang hiwalayan kay Liam Hemsworth
miley 2 - Miley Cyrus tinanggi ang hiwalayan kay Liam Hemsworth

Humakot ng napakaraming a­tensyon at reak­syon ang rumor na hiwalay na raw ang mag-asawang Hollywood star na sina Liam Hemsworth at Miley Cyrus.

Mara­ming hindi mapakali, nabigo at nag-ingay sa social media nang lumabas ang tsika na iyon. Pero guess what? Mali ‘yon! Si Miley mismo ang bumasag sa nasabing isyu.

Nag-post si Miley sa kanyang Instagram story na binabati pa ng ika-10 anibersaryo si Liam, nagbitaw rin ito ng pahayag sa mga nagpapakalat ng mensaheng split na raw sila ni Liam.

“Good to see everyone is as dumb as they were in 2009! Some things never changed… & I hope the way you feel about me is one of them. Yours truly,” sabi ng aktres.

Nagdagdag pa ito sa kanyang story ng litrato na nag­hahalikan sila ni Liam at nakayapos sa isa’t isa para idiin at malinaw sa mga taong hindi sila hiwalay.

Matapos nga ang paglilinaw ni Miley sa kanyang Instagram, nakahinga na nang maayos ang mga fan at nagbunyi sa matibay na relasyon ng dalawang Hollywood star. (Athena Yap)

The post Miley Cyrus tinanggi ang hiwalayan kay Liam Hemsworth appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *