Mikael ‘laglag-brief’ kay Megan

Laglag salawal, salumpuwet, briefs, boxers, nga si Mikael Daez sa dyowa niyang si Megan Young. Hanggang ngayon nga, ramdam na ramdam pa rin ang panggigigil ni Mikael sa napakaganda, napakaseksi niyang girlfriend, ha!

mikael laglag brief kay megan - Mikael ‘laglag-brief’ kay Megan
mikael x megan - Mikael ‘laglag-brief’ kay Megan

Laglag salawal, salumpuwet, briefs, boxers, nga si Mikael Daez sa dyowa niyang si Megan Young. Hanggang ngayon nga, ramdam na ramdam pa rin ang panggigigil ni Mikael sa napakaganda, napakaseksi niyang girlfriend, ha!

Ang cute nga ng hashtag, caption ni Mikael sa video ni Megan sa kanyang Instagram, na naglalaro ang beauty queen ng video game.

Sabi ni Mikael: “Mai-in love ka ba kung pagpasok mo ng arcade eto makikita mo? Syempre, eh favorite game ko yan. Hassle nga may nakaharang sa video ko. But in all seriousness, boneezy plus an arcade is (hot or fire icons). #LaglagHanfords.”

Oh, ‘di ba? Laglag Hanford, ang underwear na ini-endorse ni Mikael, ha!

Kaya ang mga fan, aliw na aliw.

Sabi ni jewelry_buyer: “Yun laglaghanfords ehhh.”

Hirit ni pusanggalalang: “Sosyal yung hanford pa talaga nalaglag hahaha.”

Well, kahit saang anggulo mo nga tingnan si Megan, na kahit ilang taon na ang nakalipas mula nu’ng kinoronahan siya, hindi pa rin talaga nawawala ang beauty queen aura niya. Aba, sa kaseksihan niya ngayon, puwedeng-puwede pa rin talaga niyang padapain ang mga batang reyna ngayon, ha! (Dondon Sermino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *