Mika ayaw patulan si Alexa

Good news na ang Instagram post ni Mika dela Cruz, lalo na sa mga fan niya na nag-alala talaga sa totoong sakit o kalagayan niya. Ilang beses din itong nagpabalik-balik ng hospital dahil sa diumano’y kung anong virus na dumapo rito. As in, hindi rin halos nakapagtrabaho si Mika dahil nga sa naging sakit niya.

mika ayaw patulan si alexa - Mika ayaw patulan si Alexa
mika dela cruz - Mika ayaw patulan si Alexa

Ligtas na sa virus:

Ni: Rose Garcia

Good news na ang Instagram post ni Mika dela Cruz, lalo na sa mga fan niya na nag-alala talaga sa totoong sakit o kalagayan niya. Ilang beses din itong nagpabalik-balik ng hospital dahil sa diumano’y kung anong virus na dumapo rito. As in, hindi rin halos nakapagtrabaho si Mika dahil nga sa naging sakit niya.

Nakakausap namin ito pero ayaw na i-elaborate o gawing big deal pa raw at isulat ang present condition niya noon.

So finally, nag-post ito ng picture na nasa Montemar Beach Club sa Bataan kahapon at siya na ang nagbigay ng update, lalo na sa mga patuloy na nagwo-worry for her.

Sey ni Mika na hindi na mababakasan ng anumang sakit o rashes o allergy na dumapo rito kung ang picture na pinost ang pagbabasehan:

“UPDATE: been sick for almost the whole of october. i couldn’t post any photos because my face & eyes were swelling.. i even got severe rashes all over my body. these were some of the symptoms of the virus that hit me. kaya the only thing i’ve been posting recently are my baby pics (sorry) BUT finally magaling na ako. no more symptoms.

“Thanks to everyone who prayed for me! the current me’s back.”

Nag-comment naman ang kapatid niya na si Angelika dela Cruz na, “Uwian na nanalo ka na @mikadlacruz. Ganda mo.” May nag-comment din na after na ma-allergy at magka-rashes, ano’t “diyosa siya agad teh!” kay Angelika na sinagot ng huli na, “bwisit di ba… sugatan natin hahaha.”

Sa isang banda, dahil October nagkakasakit si Mika, may ilang netizens na nagawang ikonek sa pagkakasakit niya ang mga interview ni Alexa Ilacad tungkol sa boyfriend na ni Dela Cruz ngayon na si Nash Aguas. Baka na-stress lang daw si Mika rito.

Dedma lang naman si Mika bukod sa poem na nilabas nito na hindi rin naman kinumpirma kung parinig nga kay Alexa.

Kahit magaling na si Mika ngayon, wala kaming nakikitang dahilan para sagutin nito ang mga nasabi ni Alexa. Unang-una, very given na si Mika talaga ang super long hair dito at pangalawa at pinaka-importante, hindi ito isyu o battle ni Mika. Kung may puwede mang sumagot sa mga alegasyon sa kanya, si Nash ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *