Miguel Barretto napahamak dahil kay Marj — Lolit

Very relevant pa rin talaga kung ano man ang opinyon ng talent manager/veteran columnist na si Lolit Solis.

miguel barretto napahamak dahil kay marj lolit - Miguel Barretto napahamak dahil kay Marj — Lolit
lolit - Miguel Barretto napahamak dahil kay Marj — Lolit

Very relevant pa rin talaga kung ano man ang opinyon ng talent manager/veteran columnist na si Lolit Solis.

Bakit kamo, biglaan lang namin itong na-interview tungkol sa kung ano ang say niya sa Barretto scandal ng magkakapatid na Gretchen, Marjorie at Claudine Barretto.

Aba, e, napakaraming reaksiyon from netizens. Although, mostly ay nega at kinokonek pa na kesyo “bitter” pa raw kasi si Nay Lolit kay Gretchen dahil sa MMFF scam noon.

Nakakaaliw lang na sinasabi nilang hindi sila naniniwala kay Nay Lolit, pero super watch at react naman sila, huh.

Dahil dito, nakita rin namin na talagang may kanya-kanyang “manok” among the Barretto sisters ang netizens dahil karamihan sa nag-comment, si La Greta ang pinapa­nigan.

Anyway, sinabi lang naman ni Nay Lolit na bilib siya kay Nicole Barretto na kahit may anak at ibang karela­syon na ngayon, buong tapang nitong inamin ang naging relasyon sa businessman na si Atong Ang.

Tapos, bumilib lang din daw siya kay Marjorie na ang daming naging revelation nang magpa-interview. ‘Yun nga lang, napatulala raw siya nang sabihin nito at i-brought-up pa ang tungkol sa diumano’y claim ni Gretchen na “minolestiya” ng namayapang ama nila na si Miguel Barretto ang ­nakatatandang kapatid.

“Kumbaga, patay na ang Tatay nila. Doon ako nawindang. Wala na ‘yung father, sana in-avoid ‘yun ni ­Marjorie kung totoo man.”

Sabi nga nito, parang hindi si Gretchen ang ­talagang idiniin kung hindi ang namayapa nilang ama. Sey niya, “Parang nagbukas lang ng panibagong wound.”

Wala pa ang mga ­Barretto sa showbiz ay beterano na sa kaliwa’t kanan ng showbiz si Nay Lolit sa dami na niyang pinagdaanan at na-witnessed.

Kaya tinanong namin ito kung sa tingin niya, magkakaayos at magkakabatibati pa rin ang magkaka­patid.

“‘Yun nga­ e, ­kahit na same blood ang nagra-run sa kanilang magkakapatid, parang magkakaiba ng tubo. Sabi nga, mas masakit ang salita kesa pisikal.

“Puwedeng mag­kabati sila, civil sa isa’t isa pero kapag maaalala nila yung mga nasabi nila, puwedeng mag-aaway na ­naman.”

Sa huli, hindi lang daw niya maintindihan, ­including the Barretto’s ­matriarch na si Inday ­Barretto na dapat nga ­naman, grieving at ­mourning pa sila, pero nag-aaway-away na. (Rose Garcia)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *