Migo, Katrina mega-lambingan sa Australia

Nasa bakasyon na ang Kapuso hunk na si Migo Adecer at pinost na niya ang pagdating niya sa Australia noong nakaraang September 1. Lumipad si Migo sa hometown niya sa Sydney noong mag-last taping na ang teleserye na “Sahaya”.

migo katrina mega lambingan sa australia - Migo, Katrina mega-lambingan sa Australia
migo 3 - Migo, Katrina mega-lambingan sa Australia

Nasa bakasyon na ang Kapuso hunk na si Migo Adecer at pinost na niya ang pagdating niya sa Australia noong nakaraang September 1. Lumipad si Migo sa hometown niya sa Sydney noong mag-last taping na ang teleserye na “Sahaya”.

Kasama ni Migo sa kanyang pagbabakasyon sa Sydney ang kanyang non-showbiz girlfriend na nagngangalang Katrina Mercado. Pinost din ni Migo ang photo nila ni Katrina nang bumisita sila sa Featherdale Wildlife Park na may caption na: “With our favourite little marsupial! @katrinaamercado.”

Sa Instagram account naman ni Katrina, nag-post ito ng ilang photos nila ni Migo habang nagde-date at namamasyal sa Darling Harbour, Dudley Page Reserve at Sydney Opera House.

Based sa IG photos ni Katrina, sanay itong bumiyahe sa iba’t ibang bansa dahil nagtatrabaho ito bilang flight attendant.

Anyway, mami-miss daw ni Migo ang buong cast at crew ng teleserye na “Sahaya” dahil marami raw unforgettable moments habang nagte-taping sila. Hindi raw niya makakalimutan ang pagganap sa role bilang Jordan dahil marami raw siyang natutunan sa character nito na puwede niyang i-apply sa buhay niya.

“Love unconditionally and stand for what is true. If what you feel makes you happy and makes you change to a better person, you have to embrace and fight for it under any circumstances. Never give up easily. Be yourself, follow your heart and there’s always a room to change for the better. Also, I always believe that when you stand for what is true and fair, you can never go wrong, you have nothing to fear and it makes you sleep peacefully at night,” ngiti pa ni Migo. (Ruel Mendoza)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *