Migo Adecer sasampahan ng patong-patong na kaso

Naku, kung kailan pa naman gumaganda na ang career ng Starstruck 6 Ultimate Male Survivor na si Migo Adecer, saka pa siya na-involve sa controversy dahil sa bintang sa kanya na hit-and-run sa Makati City noong Tuesday evening.

The post Migo Adecer sasampahan ng patong-patong na kaso appeared first on Abante News Online.

migo adecer sasampahan ng patong patong na kaso - Migo Adecer sasampahan ng patong-patong na kaso
migo 1 - Migo Adecer sasampahan ng patong-patong na kaso

abante anything goes jun lalin 336x224 - Migo Adecer sasampahan ng patong-patong na kasoNaku, kung kailan pa naman gumaganda na ang career ng Starstruck 6 Ultimate Male Survivor na si Migo Adecer, saka pa siya na-involve sa controversy dahil sa bintang sa kanya na hit-and-run sa Makati City noong Tuesday evening.

Kasama pa naman si Migo sa “Sahaya,” ang bagong primetime series ng GMA 7, kaya kamakailan lang ay nakatsikahan pa siya ng entertainment press sa launch ng series na ‘yon, tapos second week pa lang ng airing nila (ni hindi pa yata lumalabas ang character niya) ay may ganitong issue na sa kanya, huh!

Kahapon, nakausap ko ang lawyer ni Migo, si Atty. Marie Abraham-Garduque (lawyer din siya ng napakaraming celebrities at madalas ko siyang nakakatsikahan at nakakasama dahil personal kaming magka­kilala), ikinuwento niya na kagagaling lang niya sa inquest ng kanyang client. Ano ‘yung case na kaka-inquest lang?

“The case under inquest today is for violation of article 151 of the RPC ‘resistance and disobedience to person in authority or agents of such person’. We will await for the resolution so we can post bail,” pahayag ni Atty. Garduque.

Nakakulong pa nga hanggang kahapon si Migo at hinihintay nila ang resolution ng piskalya para makapag-bail sila. Hindi pa nga raw sila sigurado kung anong oras makakapag-bail.

Sabi pa ni Atty. Garduque, “So far, ‘yan pa lang ang napa-file na kaso, so ‘yan pa lang ang ang subject ng inquest.”

Balitang may iba pang mga ikakaso kay Migo, pero hinihintay pa ang mga ‘yon. So, kumusta si Migo?

“Depressed siya. Nararamdaman ko naman ‘yon,” sabi ni Atty. Garduque.

Malapit lang daw sa presinto kung saan nakakulong si Migo ang office ng kanyang legal counsel, kaya pupuntahan daw ito uli ni Atty. Garduque habang hindi pa nakakapagpiyansa.

Pero nakainom ba talaga si Migo katulad ng duda ng marami?

“Hindi ko pa ta­laga alam kasi wala pa ‘yung result ng medical exam niya,” pahayag pa ni Atty. Garduque na sinabing ayon kay Migo ay hindi nito alam na may na-sideswipe siya.

Pops, Martin magku-concert sa US

Nakabalik na ng bansa noong Monday night si Martin Nievera, kaya naman noong Tuesday ay nagkasama na sila ng ex-wife niyang si Pops Fernandez sa birthday event ng businesswoman na si Ms. A­lice Eduardo.

Pinost nga ni Pops ang picture nila ni Martin kasama si Ms. Alice, kaya kilig-kiligan ang mga fan. Of course, the best of friends sina Pops at Martin, kaya wala namang problema sa bagay na ‘yon.

Madalas talagang nagkakasama ang dalawa (kasama pati ang girlfriend ni Martin na si Anj).

Actually, matutuwa nga ang loyal fans ng dalawa dahjl very soon ay lalabas na ang list ng shows na gagawin nila sa Amerika.

Yes, may US concert tour ang ex-couple at pareho silang excited doon. Noong una, ang narinig ko, may concert din sila rito, kaya hindi lang ako sure kung tuloy ‘yon at kasama ‘yon sa ia-announce very, very soon, huh!

Anak ni Ruffa nakalabas na ng ospital

As of yesterday, ok na for discharge sa hospital si Lorin, ang panganay ni Ruffa Gutierrez na inoperahan noong isang madaling-araw dahil sa appendicitis.

“So, what time kayo lalabas?” tanong ko kay Ruffa.

“Hindi pa alam, may inaayos pa. Ask Mom (Annabelle Rama),” sey ni Ruffa.

Nang tanungin ko naman si Bisaya, huwag ko na raw munang isulat at may inaayos pa raw na problem na ayaw muna niyang sabihin. Well, I just hope maayos kung anuman ‘yon at ang magandang balita, okey na si Lorin.

“Pero she need to rest for a week, kaya kailangan sumulat ako sa school niya dahil mag-a-absent siya,” sey na lang ni Ruffa.

Of course, nagpapasa­lamat si Ruffa sa mga nagdasal para sa maagang paggaling ni Lorin!

The post Migo Adecer sasampahan ng patong-patong na kaso appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *