Michelle, Troy kinasal na sa US

Kasal na nga si Michelle Madrigal kay Troy Woolfolk. Naka-post sa Instagram ni Michelle ang larawan nila ng kanyang American husband na naghahalikan matapos ang wedding.

The post Michelle, Troy kinasal na sa US appeared first on Abante News Online.

michelle troy kinasal na sa us - Michelle, Troy kinasal na sa US
mitch madrigal - Michelle, Troy kinasal na sa US

tonite oh laban ka rey pumaloy 336x224 - Michelle, Troy kinasal na sa USKasal na nga si Michelle Madrigal kay Troy Woolfolk. Naka-post sa Instagram ni Michelle ang larawan nila ng kanyang American husband na naghahalikan matapos ang wedding.

“I never thought I could find someone who would love me the way you do. Thank you for always putting our fami-ly first and pushing me to be the best version of myself. I honestly don’t even know how I’d live without your support and words of wisdom. I love you @twoolf29 #thewoolfolks #momanddad #texasweddings,” sabi ni Michelle.

Mas madrama naman ang IG post ni Troy, at mas marami itong ipinaskil na mga kaganapan sa kasal nila ng dating aktres.

Ikinasal sina Michelle at Troy sa Vintage Villas Hotel & Events nu’ng April 13.

Maja talunan sa paseksihan kay Julie Anne

Humamig ng sangkatutak na comment, like ang magkahiwalay na mga sexy photo nina Julie Anne San Jose at Maja Salvador. Ipinagkumpara nga ang mga bikini photo nila dahil pareho ng anggulo ang dating.

Parehong nakatalikod sina Maja at Julie Anne, na pareho ring nasa swimming pool.

Parehong two-piece bikini ang suot nila, bagama’t magkaiba ng kulay.

Kaya hindi talaga naiwasan na pagsabungin sila ng mga netizen, sa kung sino sa kanila ang nagtataglay ng sexy/hottest back.

Lumalabas na sa paramihan ng mga like, panalo si Julie Anne, na nu’ng mga oras na na-check ko ay nakakuha ng 143, 974 likes at 1,410 na mga comment. Samantalang kay Maja ay 135,939 likes at 434 na mga comment.

Lumalabas na mas pasabog, o mas bet ng mga fan ang kaseksihan ng likod ni Julie Anne, kumpara kay Maja.

Rufa Mae halos maghubad na sa Instagram

Hindi talaga papayag si Rufa Mae Quinto na hindi magpapansin sa mga netizen lalo na sa Star Cinema, para mapabilang sa movie remake ng “Darna.”

Pinuno ng komedyana ang kanyang Instagram ng iba’t ibang larawan na laging binabanggit ang salitang Darna.

Kahit wala namang kinalaman sa Darna character o story frame ang post niya, lagi pa rin niya itong binabanggit.

Gaya na lamang nu’ng nakasakay siya sa kabayo. Sinabi ni Rufa Mae na pangarap niyang maging equestrian. Ikinabit niya ang salitang “Darna” sa hashtag nito.

Pero in fairness, hindi naman ang tungkol sa Darna ang pang-akit ni Rufa Mae sa kanyang mga IG follower, kundi ang kaseksihan niya.

Speaking of “Darna,” sa maikling tsikahan namin ni Kane Choa, ang Corporate Communication Head ng ABS-CBN 2, sinabi niyang may mga nauna na ngang mga naimbitahang artista para sa audition ng “Darna.”

The post Michelle, Troy kinasal na sa US appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *