Mica, Jay-R sasalang sa pre-nuptial agreement

Pag-uusapan pa lang nina Mica Javier at Jay-R ang tungkol sa pre-nuptial agreement bago maganap ang kasalan nila sa susunod na taon.

mica jay r sasalang sa pre nuptial agreement - Mica, Jay-R sasalang sa pre-nuptial agreement
mica x jr - Mica, Jay-R sasalang sa pre-nuptial agreement

Rey Pumaloy Oh Laban Ka 12 336x224 - Mica, Jay-R sasalang sa pre-nuptial agreementPag-uusapan pa lang nina Mica Javier at Jay-R ang tungkol sa pre-nuptial agreement bago maganap ang kasalan nila sa susunod na taon.

Diretsahan naming tinanong si Mica sa presscon para sa “Los Bastardos” final week, kung napag-usapan na ba nila ang tungkol sa pirmahan ng pre-nuptial.

Nakasaad sa pre-nuptial agreement na anumang merong naipundar at nakuha ang sinuman sa kanila bago pa sila magpakasal ay hindi ibabahagi sa isa kapag sila’y nagkahiwalay.

Proteksyon ito ng bawat isa na sasalang sa marriage para kapag dumating ang panahong magdesisyong mag-file ng annulment ang mag-asawa, hindi maihahati ang naipundar ng isa sa isa noong hindi pa sila mag-asawa.

Nag-isip si Mica sa tanong na ito at sinabi niyang pag-uusapan pa nilang dalawa ito ni Jay-R.

Alam naman ng lahat na si Mica ay mula sa angkan ng mga may-ari ng Andok’s Lechon, sikat na grilled chicken na maraming branch sa buong Pilipinas.

Sa ngayon, mas magkakaroon na ng panahon si Mica na asikasuhin ang preparasyon ng kasal nila ni Jay-R kapag natapos na ang taping ng “LB”.

Pero ang husay ni Mica, huh! Kahit abala siya sa taping ng serye niya, naisisingit pa niya ang ilang detalye sa pag-aayos ng kasal.

Beach wedding ang theme ng kasal na ayaw sabihin ng actress-singer kung saan ito gagawin. Wala pa rin siyang maibahaging principal sponsors at entourage dahil nasa proseso pa raw sila ng paglilista ng mga iimbitahan.

Excited na si Mica sa naiisip niyang wedding at kung ano ang mga kaganapan dito.

Sylvia sobrang natawa kina Arjo, Ken

Nagbigay-aliw sina Ken Chan at Arjo Atayde sa mga netizen sa unang pagkakataong pagkikita nila. Naloka at natuwa kina Arjo at Ken ang mga netizen sa eksena nila at paraan ng pag-uusap.

Nag-ala Boyet nga si Ken, at nag-ala Elai si Arjo. Nagkita ang dalawa sa event ng beauty product bilang pareho silang brand ambassador.

At siyempre, tuwang-tuwa si Sylvia Sanchez sa dalawa, at tawa talaga siya nang tawa.

Dr. Love respetado ang mga bading

Hangga’t maaari, iniiwasan na lang ni Jun Banaag ang makipagtalo sa kanyang caller tungkol sa magkasalungat nilang paniniwala sa relihiyon.

Isang saradong Katoliko ang nasabing Love Guru ng radyo, na nakakatulong para mapakalma niya ang maraming listeners ng programa niyang “Dr. Love” sa DZMM.

Hindi masikip ang pang-unawa ni Jun sa mga LGBTQ+. Maraming listeners at humihingi ng advice sa kanya na member ng third sex.

Respetado nito ang karapatan ng LGBTQ+ pero para sa kanya, hindi siya pabor na gumamit ng restroom para sa mga babae ang mga transgender.

Naniniwala siyang kahit nakadamit babae ang isang lalaki, lalaki pa rin ito at dapat lang na sa panlalaking comfort room ito pumasok.

Kung papayagan ang mga transgender ng restroom caretaker na pagamitin ng facility, walang problema. Ang pagsusuot ng mga lalaki ng damit pambabae ay isang desisyon na maraming challenges na haharapin ang sinuman.

Anyways, mapapakinggan ang “Dr. Love Radio Show” sa DZMM mula Lunes hanggang Biyernes hanggang sa ganap na 11 ng gabi, at mapapanood din ito sa DZMM Teleradyo sa parehong oras at mga araw.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *