Mga utol ni Rico Yan love si Claudine

Maraming mga netizen ang nag-react sa video ni Claudine Barretto sa Instaram niya kung saan umiiyak siya na nagpapasaklolo kay Rico Yan na 17 years na ngang patay, at with matching background music pa, ha!

mga utol ni rico yan love si claudine - Mga utol ni Rico Yan love si Claudine
clau x rico - Mga utol ni Rico Yan love si Claudine

Maraming mga netizen ang nag-react sa video ni Claudine Barretto sa Instaram niya kung saan umiiyak siya na nagpapasaklolo kay Rico Yan na 17 years na ngang patay, at with matching background music pa, ha!

Kung titingnan mo ay parang isang eksena sa teleserye at hindi mo maramdaman kung sincere o for a show lang, kasi nga on cam.

Parang sa mga kaguluhan ng pamilya niya ay nababanggit pa ang name ng aming namayapang kaibigan na nanahimik na in the arms of the Lord. Well, nasaksihan ko nga noon ang pagdurusa at lungkot ni Rico, dahil malapit na ito sa akin noon. I feel sorry for Rico that time, at awang-awa talaga ako sa kanya.

After ilang taon na namatay si Rico ay naging close muli ang mga kapatid ni Rico kay Claudine lalo na si Tina, ang youngest nina Rico.

Noong nabubuhay nga si Rico ay malapit kami sa kanya. Kaya alam din namin what’s going noon between him ang Claudine at that time before his untimely death. The last time naming nakausap si Rico ay Friday sa restroom sa ELJ Bldg. kung saan may presscon siya before that fateful day of his death.

Huling sinabi niya sa akin na mag-uusap kami as soon as he comes back from Palawan. Nangyari nga ang hindi dapat and the rest is history.

Anyway, sa burol naman ng tatay ni Claudine na si Mr. Mike Barretto ay nagpunta rin ang eldest sister ni Rico na si Geraldine para makiramay.

Meaning, maayos ang relasyon nila, at hindi sila galit sa ginagawa ni Claudine na pag-iyak kay Rico. May mga photo pa nga si Claudine na umiiyak din siya sa balikat ng kapatid ni Rico. At hanggang ngayon ay madalas talaga silang nag-uusap. (Joe Barrameda)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *