Mga unsung hero ng showbiz pinarangalan ni Dingdong

Sa pamamagitan ng YesPinoy Foundation ni Dingdong Dantes, pinagsanib-puwersa niya ang Stunts Association of the Philippines (SAP) at ang Seoul Action School-Korea sa isang five-day training and seminar para sa mga local stuntmen and stuntwomen.

The post Mga unsung hero ng showbiz pinarangalan ni Dingdong appeared first on Abante News Online.

mga unsung hero ng showbiz pinarangalan ni dingdong - Mga unsung hero ng showbiz pinarangalan ni Dingdong
ABANTE ding - Mga unsung hero ng showbiz pinarangalan ni Dingdong

Sa pamamagitan ng YesPinoy Foundation ni Dingdong Dantes, pinagsanib-puwersa niya ang Stunts Association of the Philippines (SAP) at ang Seoul Action School-Korea sa isang five-day training and seminar para sa mga local stuntmen and stuntwomen.

Tinawag itong Project #Be­Scene.

Sa naganap na graduation ceremony ng naturang programa sa GMA Network Center, naging opening remarks ni Dingdong ay ang kanyang pasasalamat sa mga tinaguriang “unsung heroes” ng TV and film industry.

“Ang layunin nito is to honor the unsung heroes ng ating industry. ‘Pag sinabing unsung heroes, hindi ba ang ating mga stuntmen, sila parati ang tinatawag, o kayo, ang frontliners.

“Kayo parati ang nasa background pero madalas ang buhay ninyo is at risk, ang buhay ay nasa peligro.

“Kaya #BeScene, dahil sa pagkakataong ito kayo naman ang gusto nating ilagay sa limelight.

“Kayo ang gusto namin i-recognize and we want you to be seen that’s why we are recognizing you dahil nakikita namin na may magandang future sa industriyang ito lalong-lalo na sa sektor ng ating stuntmen.

“Hindi lang isa ang naniniwala sa inyo. Lahat ng taong nasa harapan dito ngayon naniniwala sa inyo at gusto namin kayong bigyan ng isang magandang oportunidad.

“Sa dulo, gusto natin ng good quality of life. At para magkaroon ng good quality of life, gusto natin ng good quality of work.”

Naging parte ng naturang training and seminar ang safety, welfare, advancement and inclusivity of stunt people.

Humiling din ng suporta si Dong para sa kanyang Project #BeScene sa iba’t ibang institutional partners tulad ng GMA Network at ng Film Development Authority of the Philippines.

Dumalo sa naging graduation ceremony sina Quezon City 5th District Representative Alfred Vargas, Mark Lapid representing Senator Lito Lapid, Brian Poe Llamanzares represen­ting Senator Grace Poe Llamanzares, David Fabros from the Film Development Council of the Philippines at ang mga coaches and trainers mula sa Seoul Action School-Korea.

Makakatrabaho nga ni Dong ang maraming stuntmen kapag nagsimula na silang mag-taping para sa Pinoy version ng hit Koreanovela na “Descendants of the Sun” sa GMA-7. (Ruel Mendoza)

The post Mga unsung hero ng showbiz pinarangalan ni Dingdong appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *