Mga trike driver magkakabugan sa ‘Maginoong Toda’ Alabang

Nagsimula na ang iba’t ibang klase ng pageant sa Alabang, Muntinlupa.

mga trike driver magkakabugan sa maginoong toda alabang - Mga trike driver magkakabugan sa ‘Maginoong Toda’ Alabang
ABANTE candidate - Mga trike driver magkakabugan sa ‘Maginoong Toda’ Alabang

Nagsimula na ang iba’t ibang klase ng pageant sa Alabang, Muntinlupa.

Nagtagisan ng kaseksihan, kagandahan, kakisigan at kaguwapuhan ang mga kandidata at kandidato sa mga pageant na inihanda ng mga opisyales ng Alabang gaya ng Binibini at Ginoong Alabang 2019, Miss Alabang Gay Queen 2019 at sa kauna-unahang pagkakataon ay tampok din ang magigiting na mga tricycle driver sa Maginoong Toda 2019.

Labintatlong kandidata ang magtatagisan sa Binibining Alabang, na mag-uuwi ng P30,000 cash at P20,000 cash naman para sa 1st runner-up habang P10,000 naman para sa 2nd runner-up at gayon din para sa mananalong Ginoong Alabang 2019 na 11 kandidato ang kalahok.

Labingwalong kandidata naman ang magtatagisan para sa Miss Alabang Gay Queen 2019 at ang magwawagi ay mag-uuwi naman ng P20,000 cash prize, P10,000 naman para sa 2nd placer at P7,000 para sa 1st placer at gayon din para sa mga Maginoong Toda na siyam ang kalahok.

Sa patikim naman na Question and Answer portion sa press confe-rence ng mga ito, lahat ay hindi nagpakabog lalo na ang mga kalahok sa Binibini at Ginoong Alabang 2019.

Tinanong ang isang kanidata mula sa Binibining Alabang 2019, “what is your stand on transwomen joining national pageants?”

“‘Yung transwomen po kasi is part of LGBT and nakaka-proud po sa kanila na matatapang po sila at malalakas po ‘yung loob nila na gawin ‘yung mga gusto nilang gawin, kahit may masabi pa ‘yung iba,” sagot ng isang kandidata.

Hindi rin naman nagpatalo ang kalalakihan sa pagsagot. Isa sa mga kandidato ay nagbahagi ng kanyang adbokasiya tungkol sa environmental awareness.
“As a youth, it is our responsibility to take good care of our environment and I believe that God gave us his amazing and wonderful hope at this beautiful place we call paradise,” anang isang kandidato. (Athena Yap)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *