Mga tiket sa concert ni Daniel pinakyaw

Nabuhayan ang mga fan ni Daniel Padilla nang malaman nilang may online concert ang King of Hearts sa Oktubre 11.

The post Mga tiket sa concert ni Daniel pinakyaw first appeared on Abante.

mga tiket sa concert ni daniel pinakyaw - Mga tiket sa concert ni Daniel pinakyaw
daniel 3 - Mga tiket sa concert ni Daniel pinakyaw

Nabuhayan ang mga fan ni Daniel Padilla nang malaman nilang may online concert ang King of Hearts sa Oktubre 11.

Ang maganda nga ay iisa lang ang presyo para sa lahat. Sa halagang P499, maari mong mapanood ang concert ng Kapamilya actor.

Hindi nag-atubili ang mga fan ni Daniel at sumugod agad sa KTX.ph para bumili ng ticket. Sa sobrang dami nang bumili ay nag-error ang system ngunit naayos naman agad.

Ayon sa isa sa mga producer ng concert na si Jinky Fabelico, 20,000 tickets ang binuksan nila sa fans. Maari pa nila itong dagdagan kung sakaling maubos ito since unlimited naman daw ang tickets.

Open din ang nasabing digital concert worldwide kaya kahit ang mga nasa ibang bansa ay makakanood.

Ang “Apollo: A Daniel Padilla digital Experience” ay isa sa mga pinakabagong digital entertainment experience offerings ng ABS-CBN kasunod ng inilunsad na Kapamilya Online Live sa YouTube at Facebook na naaabot ang mas maraming Pilipinong naghahanap ng entertainment na may tatak Kapamilya. (Dondon Sermino)

The post Mga tiket sa concert ni Daniel pinakyaw first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *