Mga talunan ni Rabiya pinayuhan ni Gloria

Para kay Miss Universe 1969 Gloria Diaz, hindi dapat kuwestyunin ang pagkapanalo ni Rabiya Mateo bilang Miss Universe Philippines 2020. Aprubado sa kanya ang dalaga mula Iloilo.

The post Mga talunan ni Rabiya pinayuhan ni Gloria first appeared on Abante.

mga talunan ni rabiya pinayuhan ni gloria - Mga talunan ni Rabiya pinayuhan ni Gloria
Rabiya Mateo - Mga talunan ni Rabiya pinayuhan ni Gloria

Para kay Miss Universe 1969 Gloria Diaz, hindi dapat kuwestyunin ang pagkapanalo ni Rabiya Mateo bilang Miss Universe Philippines 2020. Aprubado sa kanya ang dalaga mula Iloilo.

May ilang kapwa kandidata nga ni Rabiya ang pumalag na nagsabing hindi ito karapat-dapat nanalo. Isa nga si Sandra Lemonon na nag-akusa na may dayaan na naganap.

“She’s beautiful. Pero every year naman laging ganun, controversial. Dapat o hindi dapat. Siyempre everybody wants to win. Pag natalo ka, hindi ibig sabihin dinaya ka.

“She’s beautiful. She deserves to win.

“You know, I love the woman. She’s so beautiful.

“Maraming pretty sa batch na ito, and just because she won, does not mean na siya na talaga ang pinakamaganda. It only means na siya ang pinakaswerte. Kasi with eleven judges, and six liked her, swerte siya,” sabi ni Gloria sa virtual presscon ng Oh My Dad sitcom ng TV5, at prodyus ng Brightlight Productions.

At ang mensahe ni Gloria sa mga talunan na talak nang talak.

“Iyong mga natalo, that does not mean na hindi sila maganda. If you did not win this time, try again. If you did not win again, try again, di ba?

“Join and join until you win!” natatawang sabi pa ni Gloria.

Anyway, super happy nga ng mga artista sa Oh My Dad na pinagbibidahan nina Ian Veneracion, Dimples Romana, Sue Ramirez, at marami pang iba. Panay nga ang biruan nila, kulitan sa mediacon. (Dondon Sermino)

The post Mga talunan ni Rabiya pinayuhan ni Gloria first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *